4. Kaanuhan

143 0 1
                                    

5. Pervertedness

HUWAG NA HUWAG sisipol o titig na may malisya sa mga babaeng napapadaan. Iwasan ang catcalling. "Hi be." "Hi Miss." "Love you." "Hi ganda." Sabay hagod ng tingin mula ulo hanggang paa.

Yung totoo? Para saan pa at nabubuhay yung mga ganyang tao? Dapat sa kanila dukutin iyong mga mata at i-donate yun sa mga mas nangangailangan. HAHAHA. Biro lang.

Kaya please lang ang pagiging pervert lalo na ang mga green jokes ay dapat ring limitahan. Kahit na sabihing open minded iyong kausap mo, eh nakakabastos na rin kapag nasobrahan. Hindi rin kasi nakakatuwa minsan. At mas bumababa yung tingin sa iyo kung ganoon ang mga salitang binibigkas mo. You should look at a girl with pure intention not with lust. Kung may ibang pakay ka lang sa pala taong nagugustuhan mo, mas maigi nang huwag mo nang ituloy ang binabalak.

At kung may makita ka mang babae na medyo kinulang sa tela any pananamit ay huwag mong gagawing dahilan iyon para bastusin sila. Kung makayanan mong makakita ng ganoon at walang ibang iniisip na kamunduhan ay malalagpasan mo ang isa sa pinakamahirap na hakbang ng isang pagiging totoong maginoo. Ganoon dapat.

Para sa mga LALAKI (Paano maging tunay na lalaki?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon