6. Lower your pride
The first who apologize is the bravest and the first who forgive is the strongest. Laging babaan ang pride. Maging mapagkumbaba. Intindihin ang mga sirkumstansya sa iyong kapaligiran. Iwasan ang pagiging hambog. Matutong humingi ng patawad sa lahat ng mga nagawan mo ng kasalanan. Maliit man o malaki. Siguraduhin na huwag iyong mauulit muli. Sa isang pagtatalo, ikaw na ang unang magbaba ng sandata. Pakinggan mo ang kabilang panig bago mo sabihin ang iyong hinaing.