7. Love your parents/siblings
Bago ka magmahal ng isang babae. Ipakita mo muna sa magulang mo kung gaano mo sila kamahal. Suklian mo ng mas higit pa ang pagmamahal na ibinigay nila sa iyo simula noong bata ka pa lamang.
Kung sa tingin mo ay hindi nila nagampanan ang kanilang responsibilidad bilang magulang, ipaintindi mo at ituro mo sa kanila kung paano. Be vocal with your feelings with them. Hindi ba noong mga bata tayo, kapag hindi nakuha ang gusto at naninisay sa sahig para mapagbigyan? Ngayong nasa edad ka na ay hindi mo na iyon magagawa. Sinasarili na lamang ang galit at mga problema. Hindi dapat ganoon. Iwasan ang hidwaan sa pamilya.
If no one's gonna fix it, volunteer.
Ang lalaking family-oriented ay mas nakakaguwapo.