Chapter 2 #Wrong Move
---------------------------------------Alas syete na nang gabi nung bumalik si Anna. Ngumiti siya saakin at agad akong niyayang kumain sa cafeteria para mag-dinner. Pumayag naman ako dahil hindi na rin kaya ng sikmura ko ang gutom.
Subrang lawak pala talaga ng paaralang ito ni hindi ko nga na isip na merong cafeteria dito.
Nung makarating na kami sa cafeteria at pumasok na tumingin tingin naman ako sa bawat sulok nito. namangha ulit ako dahil sa mala british na modern ng architectural, ganito talaga kayaman ang Pamilyang Pendleton.
"What do you want to eat, Sam?" Tanong niya, ililibre daw niya kasi ako.
"Ikaw na ang bahala." Sagot ko choosy paba ako ililibre niya na nga daw ako ee. Kaya siya na bahala kung ano.
Umupo naman ako sa may bakanting Upuan. Nagulat ako nung may padabog na nag bukas ng pintuan sa cafeteria. May pumasok na isang groupo, siguro mga nasa labing tatlo sila, nag tatawanan, nag aasaran panay pa ang pag tawa ang isa naman ay mukang nabagsakan ng napakaring problema dahil sa naka busangot niyang mukha.
Dumating naman si anna na dala ang aming pagkain. Dahil sa gutom ay agad ko namang nilantakan ang carbonara na binili niya, pag dating kasi sa pagkain subrang takaw ko. Napatigil din kami ni anna ng may biglang lumapit saming lalaki.
"Hey! Pretty?" Sabi niya at ngumiti.
Ang gwapo naman ng lalaking to, matangkad, matipuno, bagay naman sa kanya ang buhok niya dahil sa hugis ng kanyang mukha, magaganda din ang mga mata at maninipis na labi na pulang pula ang kulay. Huh? At bakit ko naman deni-describe ang lalaking to.
"Who cares!" Sabi ko at nag patuloy lang sa pag kain.
"Me? Cares for you!" Sarcastic na sagot niya at tinalikuran ako.
Aba bastos ang demonyong ito ah. Narinig ko naman na nag hiyawan ang mga lalaking kasama niya. Nabebwesit ako. Gago talaga yon.
Pag katapos kong kumain ay kumuha na ako ng tubig. Pagka kuha ko ng tubig ay dumaan ako sa harapan nila, sakanila batong cafeteria at paharang harang sila sa dinadaan ko abat hindi ata ako kilala ng mga ugok nato ah.
Natapon ang tubig na ibibigay ko sana kay Anna, may pumatid kasi sa dinaanan ko. Buti nalang at hindi ako sumubsub, hinarap ko naman silang lahat. At tinaas ang kilay ko. Pero blangko at nag tataka lang ang mga ekspresyon ng mga mukha nila.
"Sino ang pumatid ng paa ko!?" Pasigaw na tuno ng boses ko.
Tumawa naman ang demonyong lalaki na tinalikuran lang ako kanina, gwapo sana demonyo ngalang ang ugali. Dahil sa inis ko ay binigyan ko siya ng isang napakalakas na suntok. Kaya medyo pumutok ang labi niya, tumayo naman si anna na ngayon ay hawak hawak ang braso ko. Narinig ko din na napamura siya sa ginawa ko.
"What, was that for?" Tanong niya.
Nabitawan naman ni anna ang braso ko at napa atras tumayo kasi ang dalawang kasama nito at hinawakan ako sa mag kabilang braso. Masakit ang pag kakahawak nila dito, parang pati ata babae pinapatulan ng mga gagong to ah.
"Let me go." I said with gritted teeth.
Hindi parin nila ako binibitawan kaya ng papalapit ang demyong iyon ay sinipa ko ulit ito sa pinakaiingatan niyang Junior. Napaluhod naman siya kaya sinipa ko ulit siya pero sa pag sipa ko ay agad siyang tumayo at hinawakan ako ng napaka higpit sa braso. Shit mura ko.
Di ko rin akalain na kekwelyuhan niya ako sa damit ko. Teka, wag mong sabihing susuntukin niya ako? Pumapatol ba to sa babae?
Ramdam ko ang pag lapit niya sa tinga ko. Bakit nag iba ata ang aura niya bakit parang ang dilim?
YOU ARE READING
His Mafia Princess
Teen FictionMy father is the ruler of one of the most ruthless Mafias. Don't think he didn't train me to be ruthless too. I've been training since i could walk. I tortured a guy at the age of 12 and killed at 15. My motto is, kill before being killed. My father...