Prologue

21 0 0
                                    

15 years ago...

Anim na taon pa lamang si Pin ng mga panahon na iyon.

Habang kasama nya sa Parke ang kanyang Tatay na si Cevero,

"Papa! Gusto ko po nun! Please, bilan mopo ako nun!" Sabi ni Pin sakanyang ama habang nakatingin sa isang lalaki na nagtitinda ng ice cream.

"Tara nak, bibilan kita nun." Sabi naman ni Cevero saka lumapit sa nagtitinda ng ice cream.

"Ang tagal ng mama mo, san kaya nagpunta yun nak? Naiinip kana ba? Maglaro-laro ka muna diyan basta magiingat kalang palagi." Bilin sakaniya ng tatay nyang si Cevero.

Habang kumakain si Pin ng icecream ay papunta sya dun sa may palaruan.

Pero habang naglalakad siya papunta dun sa palaruan, may naramdaman siyang kakaiba. Yung pakiramdam na hindi nya maipaliwanag.

Pagkatapos nun ay bigla may isang mabilis na kotse ang papalapit sakaniya. Hindi alam ni Pin ang kaniyang gagawin, nakatulala lang siya habang papalapit ng papalapit sakaniya yung kotse.

Agad siyang nakita ng kanyang tatay, pero bago pa siya naligtas ng kanyang tatay ay biglang nalang tinalunan si Pin ng isang lobo dahilan para mapahiga ito sa kalsada. At sa pagkakataong yon, ang lobo ang nabangga ng kotse. Nakalikha iyon ng isang napakalakas na tunog.

Napatulala at di makapagsalita si Pin, nakatingin lang ito sa lobo na nagligtas sakaniya.. At sa pagkakataon ding iyon hindi nakaramdam ng takot o kung ano pa man si Pin.

Agad dumami ang tao sa paligid nila.

'Baka kung anong gawin nung lobo sa bata! Tulungan niyo!'

'Barilin nyo yung lobo! Baka kung anong mangyari sa bata!'

'Iligtas nyo yung bata!'

Yan ang mga sigaw na narinig ni Pin mula sa mga taong nasa paligid nila. Napatingin ulit siya sa lobo at kahit gusto man nyang matakot ay wala syang maramdaman na takot sa lobo.

"Pin! Anak!" Sabi ni Cevero kay Pin dahilan para mapaatras yung lobo.

"Anak, ayos kalang ba?" Tanong ulit ni Cevero sa anak.

Tumango naman ang bata.

"Opo papa, ayos lang po ako. Niligtas po ako nung lobo na yun.." Sabi ni Pin sakanyang tatay, pagkatapos ay napatingin yung tatay kung saan ang itinuro ni Pin na direksyon.

Wala na yung lobo.


Malaking ang magiging pasasalamat ni Pin sa lobong nagligtas sakanya.

Napatingin nalang siya sa langit at saka pumikit. Isa lang ang nasa isip nya ngayon

Na sana pagdating ng panahon ay makita nya ulit yung lobong iyon.

You're a WEREWOLFWhere stories live. Discover now