Wolf 02

10 0 0
                                    

Kinabukasan...

Umuwi ako saamin dala-dala ang advance sahod. Mabuti nalang talaga at binigay nila yung advance sahod ko, at nagtiwala sila sakin.

"Ma, nandito na po ako." Sabi ko ng salubungin ko si mama na papaalis narin sa bahay namin.

"Oh anak, kumain ka muna sa loob paghahanda kita." Sabi nya sakin.

"Wag na po ma, kukunin ko lang din po yung mga gamit ko saka babalik na dun sa pinagtatrabahuhan ko ngayon. Saka nga pala ma, pumunta napo ba ulit si aling clevo dito?" Tanong ko.

"Hindi pa anak e. Ay ganon ba? Oh sige magiingat ka ha. Mauna nako maglalaba pa ko kila mercedes. Ang tatay mo pumasada na kaninang madaling araw pa." Sabi sakin ni mama.

"Oh? Wala na po bang dinadaing na sakit si papa?"

"Wala naman nak, sabi nya papasada daw sya para pangdagdag sa utang kay clevo."

"Wag na kamo syang magalala ma, eto na oh! Nakuha kona yung kalahati ng sahod ko at mababayaran na natin si aling clevo ma. Saka eto po ma, pang gastusin dito sa bahay." Sabi ko saka inabot yung tatlong libo.

"Nako anak, maraming salamat. Mabuti at binigay naman sayo yung advance na sahod mo?" Tanong ni mama.

"Opo ma, may tiwala naman po sila sakin e. Pero alam mo ma, nakakatakot dun sa bahay na napasukan ko pero okay lang kasi napakalaki naman ng sahod e daig ko pa yung nagtatrabaho sa mga kompanya." Sabi ko kay mama.

"Nako anak! Baka naman mangkukulam ang may ari nyang bahay na yan? Umalis kana dyan anak! Baka kung mapano ka pa, may mapapasukan kapa namang ibang trabaho e, oh ibalik mona ang pera nila." Sabi sakin ni mama na halatang alalang-alala.

"Wag kang magalala sakin ma, ayus lang ako dun. Keri ko yon! Basta para sainyo ma, gagawin ko lahat." Sabi ko kay mama saka ko sya niyakap.

"Oh tapos naba ang drama nyong magina?" Sabi ni aling clevo na kanina pa pala nakikinig samin.

"Oh aling clevo nandyan kana pala." Gulat kong sabi.

"Syempre, hindi ako nakakalimot sa pinagusapan natin kahapon pineng. Oh nasan na?" Sabi nya saka nilahad ang palad saaken.

Inabot ko sakanya ang anim na libo na ikinaaliwalas ng mukha nya.

"Ganyan! Marunong ka naman palang sumunod sa pinagusapan eh." Sabi nya. Pagkatapos ay tiningnan nya pa yung perang inaabot ko kay mama.

"Oh ano yan? Mukhang madami kang pera ngayon ah? San mo ninakaw yan?" Tanong nito sakin.

"Hindi ko po ninakaw yan, advance sahod lang po yan sa pinapasukan ko ngayon." Sabi ko naman.

"Ay teka? Kulang kapa ng isang libo! Kailangan nyong magbayad ng tax." Sabi nito samin.

Anong tax pinagsasabi nito?

"Para san po yung tax? Ang usapan lang natin kahapon ay anim na libo diba?" Sabi ko.

"Ah— ano! Basta! Kailangan nyong magbayad ng tax kung ayaw nyong paalisin ko kayo dyan!" Sabi nya saka nilahad ulit ang palad samin saka umirap irap pa habang nagpapaypay.

Tsk. Pag minamalas ka nga naman oh.

"Sige ma, ibigay na natin tong isang libo sa matabang to." Sabi ko kay mama.

"Anong mataba ha?! Wala kang galang ha!" Sabi nito sakin at akmang susugod pa.

"Diba nakapagbayad na kami? Saka ayan na yung bayad sa sinasabi nyong tax oh. Umalis na kayo." Sabi ko sakanya saka pumasok sa loob ng bahay.

You're a WEREWOLFWhere stories live. Discover now