Wolf 01

20 0 0
                                    

Pin's POV

"Pineng! Lumabas ka dyan sa bahay nyo!" Bulgaw sakin ni Aling Clevo, napakalakas talaga ng bunganga niya kahit kailan.

Lumabas nalang ako agad ng bahay namin.

"Oh? Aling Clevs ang aga aga high blood kana naman!" Sabi ko sakaniya.

"Natural na mahi-highblood ako! Hindi pa kayo nagbabayad ng renta dyan sa bahay niyo!"

"Ahh ano k-kasi aling clevs. Wala pakong pera ngayon."

"Nako! Tigil tigilan moko dyan pineng ha! Tatlong buwan na! Tatlong buwan na kayong walang bayad, baka gusto mong paalisin ko nalang kayo dyan ngayon?!"

Arrrgh. Nakakainis! Pwede namang idaan sa mahinahong usapan, bakit kailangan lagi syang nakasigaw!

"Bukas! Bukas magbabayad na talaga ako sayo ng renta! Wag na kayong masyadong maingay marami pang natutulog eh."

"Osige, hanggang bukas nalang pineng ha! Pag bukas wala pa din, lumayas layas na kayo dyan!" Sabi niya sabay alis.

San ako kukuha ng pera? Wala pa rin naman akong mahanap na trabaho.

Juskong buhay to oh!

Pumasok ako sa bahay habang nagkakamot ng ulo. Masisiraan na ata ako ng bait.

"Nak, kumain ka na....anong sabi sayo ni clevo?" Tanong ni mama habang naghahain ng pagkain.

"Wala yun ma. Oh ma, bakit kayo yung naghahanda niyan. Baka mabinat kayo niyan."

"Ayos lang ako anak, sguro bukas magaling na magaling na talaga ako. Tapos pwede na ulit akong magtrabaho kala Mercedes."

"Ma, sabi ng doctor magpahinga lang kayo. Baka mamaya bumalik ulit yung lagnat nyo."

"Hayyy. Osige nanga anak, ikaw na ang masusunod. Tara na, kumain kana dito."

Naupo na ko sa hapagkainan para makakain na. Pagkatapos kong kumain, nagpaalam ako ng kay mama na aalis ako. Kailangan ko maghanap ng trabaho.

Pagkaligo ko, agad akong nagbihis at nagsuklay.

"Ma, alis muna ko. Kailangan kong makahanap ng trabaho eh."

"Sige, magiingat ka ha." Sabi ni mama.

Pagkatapos nun ay umalis nako.

San kaya ako pwedeng makapaghanap ng trabaho. Kahit kasambahay lang, okaya janitress lang. Desperada na talaga ako. Hindi naman ako tatanggapin sa mga office kasi hanggang 3rd year highschool lang ang natapos ko. Kinailangan kona kasing tulungan sila papa para magtrabaho, dahil minsan hindi nakakapasada ng jeep si papa dahil madalas syang may sakit. Si mama naman hindi sapat yung perang kinikita para samin.

Habang naglalakad ako, may nakita nadaanan akong bahay. Napakalaki nito.

Pero parang haunted house. Kaya binilisan ko nalang yung lakad ko.

Maya maya pa ay biglang may nakasalubong akong matanda.

Ang creepy ng mukha niya. Omaygash.

"Hija...." Tawag nito sakin dahilan para kabahan ako. Hala!

"P-po? B-bakit po l-lola?" Nauutal na sagot ko.

"Naghahanap ka ba ng trabaho?"

"P-po? Paano nyo po nalaman?"

"Base sa nakikita ko sayo, nangangailangan ka ng trabaho."

H-huh? Manghuhula ba siya? Ang galing naman ni Lola!

You're a WEREWOLFWhere stories live. Discover now