Your name is Althea Britz Oliver
"Are you doing fine?"
"Uhmm yeah ..I'm doing fine so far"
Mula ng magising ako sa isang matagal na pagkakatulog , marami nang katanungan ang bumabagabag sa akin..
Kung bakit ako na- comatose?
Kung bakit parang ang weird ng mga tao sa paligid ko makitungo sa akin?
It has been like a month since I woke up at ang tangi kong nalalaman tungkol sa sarili ko ay ang pangalan ko..I'm Althea ...at tanging yun lang ang alam ko..
"Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo , Althea? Mind sharing it?"
"Avrigne"-pagsisimula ko
"Bakit ganun, bakit wala pa akong naaalala? Mahigit isang buwan na akong nakatatanggap ng kabi-kabilang therapy pero wala man lang akong naaalala tungkol sa katauhan ko"
Nginitian ako ni Avrigne bago nya ako sagutin
"Althea, kahit na marami ka nang therapy na ginagawa, the possibility that you can remember who you are is still faint...time will come at maaalala mo rin ang katauhan mo"
"Kelan pa? Atsaka asan ba ang pamilya ko? baki hindi nila ako binibisita rito? O----may pamilya pa ba ako?"
Tinapik lang ako ni Avrigne sa balikat atsaka siya tumayo
"Let's go?"- sabay lahad niya ng kanyang kamay sa akin na nagsasaad na aalis kami
"Hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko"
"We'll reserve that for next time...Tara? Let's have a stroll?"
Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod na lang ako
Avrigne is my personal doctor...he has been my companion/guardian during my stay here...
He became my only friend here in this facility..
Why?Dahil ang mga tao dito sa paligid ko ay mailap sa akin
Hindi ko alam kung anong meron sa akin ...na kapag may makasalubong man ako ay yumuyuko sila at hindi man lang tumitingin sa mukha ko
Minsan nga naiisip ko na baka ganun na kapangit ang mukha ko kaya ganun ang inaasta nila
"Avrigne, bakit parang kinakatakutan ako ng ibang tao?"
Ayan na naman ang mga tingin nila sa akin..na parang hindi sila makapaniwala na nandito ako sa harap nila
Creepy
"Don't mind them,ok?"
Tumango ako at tahimik na minasdan ang paligid
One month na akong nandito pero hindi ko parin alam kung hanggang saan aabot ang facility na ito
It seems a big puzzle to me
Huminto si Avrigne sa paglalakad at umupo sa isang bakanteng upuan..
Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya
Seryosong nakatingin si Avrigne sa papalubog nang araw..
Tuwing hapon ay nakasanayan na naming umupo dito at tingnan ang papalubog na araw..
Ewan ko ba parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag minamasdan ko ang paglubog ng araw..lalong-lalo na pag nakikita ko yung kulay ng kalangitan na tila ba pamilyar na pamilyar sa akin..
Tuluyan nang lumubog ang araw...dumidilim na rin ang kalangitan
"Tara?"
Nakatayo na si Avrigne at mukhang malungkot na naman ang mukha niya
Tuwing lulubog na yung araw, napapansin kong lumulungkot yung mukha nya..ewan ko ba ba't namin ginagawa ito tuwing hapon eh ..a therapy for the eyes, I think?
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya
Biglang umihip ng malakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko
Napatigil ako at lumingon-lingon sa paligid kung may ibang tao ba
"Althea, ok ka lang?"
Napatigil na rin sa paglalakad si Avrigne dahil sa inasal ko
"O-Oo "-sagot ko sabay lakad ulit
Bakit ganun? Parang may ibang tao?
Biglang sumakit yung ulo ko..na tila ba parang mabibiyak na ito
Napaluhod na lang ako nang dahil sa sakit...hindi ko na kaya
"A-avrigne" –pilit kong tawag
Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay ang pagkarinig ko ng isang bulong sa tenga ko
"Quanto mi sei mancato, amati mio scarlatto"
YOU ARE READING
Lapse
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang mamatay?at mabuhay ulit? Paano kung malaman mo na ang totoo mong pagkatao ay hindi ang inaakala mong ikaw? Anong gagawin mo?