"Magandang umaga Althea! You have to wake up !!"-nakaramdam ako ng pagyugyog
Inimulat ko yung mata ko at tiningnan si Cris..magulong-magulo pa yung buhok ko at may muta pa ako sa mata
Halatang excited yung mukha niya..
Ano naman kayang rason at nae-excite sya?
"Bakit?"-kinusot-kusot ko pa yung mata ko
"Maligo ka na bilis!"-tinulak niya ako papuntang banyo
Ano bang nangyayari sa kanya at ganito na lang kung makakilos?
"Bakit ba?"-kumunot na yung noo ko sa ikinikilos nya
It has been two months since namalagi ako sa hospital na ito na gising na...at mahigit dalawang buwan ko na ring karamay at kasama si Cris...naging magkaibigan na kami at para ngang matagal na kaming magkakilala...
Pero ni minsan sa mahigit na dalawang buwan na iyon ay kumilos ng kakaiba si Cris
"Basta, mamaya ko na lang sasabihin, o tuwalya mo"- sabay bigay nya ng tuwalya sa akin
Tinulak nya pa ako para lang tuluyan na akong pumasok sa banyo
"T-tek---"-may sasabihin pa sana ako kaso pinagsarhan na niya ako ng pinto
Wala na lang akong nagawa kundi ang maligo..ano kayang tinatago ng babaeng 'to?
Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Cris na naka-upo sa hospital bed ko
"Ang tagal mo naman!"
Agad na napataas yung kilay ko
"Sige na huwag mo na akong sungitan..ito ang isusuot mo ha"-nakangiti nyang sambit sabay bigay sa akin ng isang puting bestida..
"Ha? Bakit ganyan yung susuotin ko? Paano yung hospital gown ko?"
Napameywang siya ..at sya naman ang nagtaas ng kilay
"Pwede ba, mamaya na ok? Kapag natapos ka na sa pagbibihis mo"
O-k?
Nagbihis na ako at baka magwala si Cris..
Isang puting bestida na ang tabas ay hanggang tuhod ang ipinasuot sa akin at may itim itong ribbon sa bandang likod...
Pinasuot din ako ng isang puting doll shoes na may itim ding ribbon...parang terno ito sa damit ko
Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin
"Ang cute mo"-sabi ni Cris
I know...
"Tara na, tutal tapos ka namang magbihis dyan"
Tumayo na si Cris at lumabas na kami
"Saan ba kasi tayo pupunta atsaka bakit ang saya-saya mo yata? "
Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadadaanan namin...ayan na naman yung mga tingin nila na parang kinakatakutan ako
"You are about to meet the people whom you're hoping to see"
People who I am hoping to see?
Dumiretso kami sa isang silid kung saan may nakapaskil na ' Visiting Room'..
May ganito pala dito?
Sino naman kaya ang bibisita sa akin at bakit kailangan ko pa talagang magsuot ng bestida?
Atsaka bakit ganito na lang kasaya si Cris simula pa kanina?
Binuksan ni Cris ang pinto at pumasok ito..agad naman akong sumunod
May mga tao sa loob na nag-uusap..nandito rin pala si Avrigne
Teka...yung director ito ng hospital na ito , hindi ba ? Hindi ko pa sya nakikita ng personal pero bukambibig sya palagi nina Avrigne at Cris, kalat din sa hospital yung mukha nya
"O nandito na pala sila eh"- sabi ni Avrigne
Huminto sa pag-uusap yung director atsaka nung isang ginang na kasama nya..mukhang asawa nya siguro
Nginitian ko sila
Mukhang pamilyar yata yung mata nung ginang?
"Ito na ba talaga si Althea ko?" -sabi nung ginang kasabay ng pagbuhos ng luha nya
A-althea k-ko?!
Kumunot yung noo ko..
"Yes madam, si Althea po yan"
Agad na niyakap ako ng mahigpit nung ginang...
Gulat na gulat ako sa nangyayari....wala akong nagawa at napayakap na rin ako sa kanya
Bumitaw na sa pagkakayakap yung ginang at hinalikan ako sa noo ko
"Hindi mo alam Althea kung gaano namin hinintay ng papa mo ang pagkakataong makita ka namin uli at makapiling kang muli"- sabi nya sabay pahid ng mga luha nya
"P-papa?"-nagtataka kong tanong sabay turo sa director
Lumapit naman sa akin yung director at yinakap na naman ako...
P-papa? Kung ganoon..
"Oo Althea, we are your parents"
Doon na bumuhos ang kaninang pinipigilan kong luha...
"Bakit ngayon nyo lang ako binisita?"-napahagulhol na lang ako
Bakit ngayon lang nila nagawang bisitahin ako? Bakit?
Yinakap muli ako ng ina ko...
Kung ganoon kaya pala hindi ako sinasagot ni Avrigne kapag tinatanong ko sya tungkol sa pamilya ko ay dahil sila naman ang may-ari ng ospital na' to
"Shhhh....ang importante'y nandito na kami ok?" - sabi ni mama sabay hagod ng likod ko
"We are going to be together again...as one family"
Napabitaw naman ako sa yakap...at napatimgin sa kanya
"Oo Althea, madidischarge ka na, uuwi ka na sa'tin, uuwi ka na sa bahay na'tin"-nakangiti nang sabi ni mama
Napangiti na rin ako..
Uuwi na ako!
"hep hep!!!! Kasama ako diba , papa?"-singit naman ni Cris at ngumuso pa na tila nagpapakyut sa amin
Epal rin tong isang to-----papa?!
"Papa?!"- naguguluhan kong sabi
"Hehe nakalimutan ko palang sabihin sa'yo Althea, si Crissa, ate mo"
Napanganga na lang ako
WHAT?!
YOU ARE READING
Lapse
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang mamatay?at mabuhay ulit? Paano kung malaman mo na ang totoo mong pagkatao ay hindi ang inaakala mong ikaw? Anong gagawin mo?