Kabanata 5

6 0 0
                                    

Magdadalawang buwan na ako sa hospital na ito ngunit wala pa rin akong karagdagang naaalala...sabi sa akin ni Avrigne ok lang daw dahil di naman agad-agad maaalala ng isang taong matagal nang na-comatose ang kanyang mga ala-ala dahil sa trauma

Napaupo ako sa isang upuan malapit sa akin...at tiningnan yung mga batang naglalaro

Napag-isipan kong pumunta muna rito sa palaruan mag-isa para naman makapag-isip isip ako ng mga bagay-bagay..lately, I have been so down dahil hindi ko pa nga naaalala ang mga ibang bagay na tungkol sa pagkatao ko

May mga batang naglalaro sa mga slides...at makikita na talagang masaya sila habang naglalaro

Napabuntong-hininga na lang ako

Mahirap pala yung ganito...

Yung wala kang alam kung sino ka ba talaga

Yung wala kang alam kung ano kang klaseng tao habang nabubuhay ka noon...

Yung wala kang nakikilala bukod sa pangalan mo...tsss....napangiti ako ng mapait......para pala akong bata..na walang kamuwang-muwang sa kanyang paligid at wala man lang problema na iniinda..

Muli kong tiningnan ang matatamis na ngiti ng mga batang naglalaro...kelan kaya ako makaka-alala sa tunay kong pagkatao?

Kelan?

"Sana naging bata na lang tayo palagi, ano?"

Biglang may tumabi sa akin at napaisod ako ng kaunti...

"Sana nga"- sagot ko at napangiti na lang ako...

Tiningnan ko yung taong tumabi sa akin...mukhang magkasing-edad lang kami nito..isang gwapong lalaki na base sa ayos nya'y mukhang bumibisita lang ito sa ospital na 'to..

May magagandang mata, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at maninipis na labi na nakapagdagdag sa kagwapuhan nya...

Lumingon ito sa akin at nginitian ako...nang magtama ang mga tingin nami'y bahagyang sumakit yung ulo ko...

Napatitig ako sa mukha nya ng ilang sandali...bakit ganun?bakit parang kilala ko ang taong 'to?

"May dumi ba sa mukha ko?"- agad syang napahawak sa mukha nya para punasan ito

Napaiwas na lang ako ng tingin...kutob ko lang yun siguro?

Napatingin sya pabalik sa mga batang naglalaro...

Sa nakalipas na panahong namamalagi ako sa ospital na ito, wala man lang nangahas na kumausap sa akin pwera na lang sa mga nars at doktor kaya nakakapanibago na may kumausap na sibilyan sa akin sa unang pagkakataon 

"Pasyente ka rito?"

Napatingin ako muli sa kanya...hindi ba't isang tingin pa lang sa aki'y malalaman nya nang isa akong pasyente rito dahil sa suot kong hospital gown? 

"O-oo"

"You don't look like you're sick"-muli nya akong pinukulan ng tingin

"As what I know...people in this ward have serious sickness, am I right?"- dagdag nya

"Tama ka"

Sa ward na kinabibilangan ko ay kapwang mga pasyenteng may malulubhang sakit na nakamamatay...Ewan ko ba at bakit nasama ako sa ward na ito eh di naman malubha yung sakit ko...I have just woke up from years of being in a coma ..that's it

"So what's your sickness?"

"My sickness is forgetting myself"

Kumunot yung noo nya

"I have an amnesia, a serious one"-dagdag ko

"Oh, I'm sorry, I didn't mean to intimidate you"-sabi nya

Kitang-kita ko yung pagkaawa nya sa akin..

Awa...yan na lang siguro ang makukuha ko...

Pilit akong ngumiti at itinuon nalang uli sa mga bata ang atensyon ko 

"Eh ikaw, ba't ka naparito?"

"I'm volunteering for a charity for the cancer patients "- aniya

Kaya pala...

"By the way, what's your name?"

Ilang segundo ko siyang tiningnan muna bago ako magsalita

Bakit hindi siya natatakot sa akin? 

"Althea"

"Well, I'm---"

"Kirreo!! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap"- sabi nung lalaking tumawag sa kanya ..halatang hingal na hingal pa ito at mukhang malayo ang tinakbo nito

Tinanguan nya ito at tumayo..

"Kirreo, kirreo's my name"- at umalis na ito kasunod nung lalaking tumawag sa kanya

Kirreo pala ang pangalan niya

"By the way, it was nice meeting you, Althea"- pahabol nitong sigaw at tuluyan ng tumakbo papalayo







LapseWhere stories live. Discover now