Lumipas ang mga araw wala paring pinagbago. Naalala kong ililipat nga pala ako ng school sa pinapasukan ng kapatid kong si nathalie alam kong sinabi iyon ni nathalie kay mommy para mas madali nyang magawa ang pagpapahirap saakin, hanggang ngayon marami pading bumabagabag sa aking isipan kung ano ang nagawa ko sakanya.
Marahil nagseselos sya dahil ako noon ang laging pinagtutuunan ng pansin ni mommy pero hindi nya alam nakada kasama ko si mommy, lagi kong iniisip na sana naging ako nalang sya hindi nya kasi alam na sya yung laging pinupuri.
Minsan nga naiisip ko dapat itigil ko na yung pagpapasikat ko kasi kahit ano yatang gawin ko hindi ni mommy maaappriciate yung mga efforts ko. Siguro dapat nilalaan ko nalang yun sa sarili ko para naman ako mismo maging proud sa sarili ko.
~ FIRST DAY OF SCHOOL AT EASTMONT UNIVERSTY.~
Unang araw ngayon sa school at nafefeel ko na hindi na dapat ako pumayag na magpatransfer dito makita ko palang mga tingin sakin ng mga estudyante parang kakainin na nila ko. Maaga talaga akong pumasok para mkuha ang sched. ko tsaka ayoko rin makasabay ang kapatid ko baka pahirapan nanaman ako nun.
Habang naglalakad ako naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante na kasi daw muka daw akong manang dapat daw hindi nako nagtransfer dito kasi may bago na naman daw na pagtitripan.
Kung nababasa lang nila yung naiisip ko kahit ako ayoko magtransfer sa school nato kahit ito pa yung pinakasakit na paaralan kung ganto din naman ang klase ng mga tao.
Patuloy parin ako sa paglalakad ng biglang nagsitabihan sa daan yung mga estudyante at nakita ko yung isang babae na nabunggo yung grupo ng mga lalaking mukang mga siga nagulat nlang ako ng biglang sinampal nung lalaking maangas yung babae, ayoko pa naman sa lahat makakita ng inaapi.
Lumapit ako at tinulungan yung babae mukang nagulat pa sya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa paligid. Tumingin din ako sa kanila at same reaction lahat sila nagulat.
O_O ~ Reaction nilang lahat.
-_- ~ Reaction naman ng lalaking sumampal, ganun din yung mga kasama nya parang nasesense ko na mali na tinulungan ko tong babaeng to.
"Oh my god, she's dead. Lagot sya kay prince." G1
"I think sya na ang bago, nakakatakot na tuloy." G2
Tiningnan ko yung lalaki kahit na alam ko na kung ano tong pinasok ko naglakas loob padin ako na tingnan yung lalaki at dahan dahan kong tinayo yung babae.
"Mag-sorry ka sa kanya." - Sabi ko sa mukang arogante nato.
Tiningnan nya lang ako at bigla nalang akong kinabahan ng bigla syang mag smirk, lahat ng mga tao na pa gasp sa sinabi ko, nako naman anu na naman tong pinasok ko lagot na.
Naputol ang pagiisip ko ng makaramdam nalang ako ng malamig na tubig na bumuhos sa damit ko pagtingin ko binuhos nya sakin yung tubig nainiinom nya.
"Mukang bago ka dito, it seems like hindi mo kilala ang binabangga mo." Sabi nya and he gave a deadly stares.
"Ikaw na nagsbi na bago ako at hindi ko kayo kilala kaya, siguro naman kahit ikaw naiintindihan mo ang sinabi mo ." Naku mas lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi ko, hindi ko nanaman napigilan ang bibig ko.
Muli nya kong tiningnan mula ulo hanggang paa. Aba't bastos to ah halatang halata na arogante at mayabang. Nagulat nalang ako ng bigla syang magsalita. "You dont know us at all huh! Malalaman mo din yan sa mga susunod na araw, kaya kung ako sayo paghandaan mo na. Dont mess with us" Pagkasabi nya bigla nalang silang lumakad palayo pero bago pa sila makaalis nagsalita nako.
"Oo na paghahandaan ko yan aroganteng hukluban ka." Pagkasabi ko non inalalayan ko na si ate na tulalang tulala sa ginawa ko at nanginginig. Tiningnan ko sya at kitang kita ko na nmumutla padin sya.
O_O ~ reaksyon nya halatang ayaw magsink in sa utak nya yung ginawa ko.
"Ate, ok kalang? Ako nakipagsagutan hindi ikaw. Yuhoooo!" pumalakpak pako sa harap ng muka nya.
"S-salamat k-kaya k-ko n-na a-ang sa-rili k-ko." She said while stammering. Tsk kung makareact naman akala mo mamatay na kinabukasan.
"Ate, naman muka kanang labanos sa sobrang putla mo tingnan mo oh, eto salamin ng makita mo." Sabay bigay ko sa kanya ng salamin. " Ba't ba takot na takot kayo dun ate? Yung hukluban na arogante nayun napaka yabang sobra."
Nabigla ako ng tingnan nya ko ng seryoso at pinakita nya sakin ang ibang galos nya sa binti at katawan. " Ginawa nila sakin yan nung may tinulungan di akong inapi nila, nung una hindi ko pinansin yung banta nila tapos nun lagi nalang nyang inuutasan yung mga estudyante na saktan ako at pahirapan kaya nga nagulat nalang ako ng bigla mo akong tulungan. Mag iingat ka dahil simula ngayon ikaw na ang next target nila."
"Eh? bat hindi mo sinumbong sa magulang mo ate?" Shocked na tanong ko. Parang gusto ko na mag backout dito sa school nato.
"Sinabi ko din yan sa kanila, na magsusumbong ako sa magulang ko pagsinaktan pa nila ako ulit. Pero tinakot nila ko na sasaktan naman nila ang kapatid ko pag ginawa ko yun kaya kahit hirap na hirap na ko kinakaya ko padin."
Hala kinakabahan na tuloy ako parang ayoko na pumasok, impyerno yata tong school nato.
"Kaya kung maaari mag iingat ka, dahil mas papahirapan ka nila dahil alam nyang palaban ka. Sige na aalis nako baka pag may nakakita na magkasama tayo baka utusan nya na naman yung mga estudyante na saktan tayo. I'm denise nga pala. Nice to meet you and thank you." Bago sya umalis yinakap nya muna ako at ngumiti ng mapait.
Nandito padin ako sa clinic nakaupo at parang ang tagal bago magprpcess ng brain cells ko at parang ayaw magfunction. Nako ito na nga ba sinasabi ko eh, dapat talaga hindi nalang ako nakialam.
Pakiramdam ko hindi magiging maganda ang school year ko dito sa hell na paaralan nato.
I'm doomed. -__________-
A/N: Super late update.