Pangakong Nilimot

12 0 0
                                    


Hindi ba ang sabi mo noon ay walang iwanan?
Sabi mo habang buhay ay ika'y nandyan lang.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi ba?
Hinayaan nitong ito'y mawaglit sa'yong alaala.
Pinaglipasan na ng panahon,
at s'yang nabulok 'di naglaon.
Ang mundo'y tuloy sa pag-ikot,
ang ilog ay walang humpay sa pag-agos.
Ngunit ang pangako mo'y tila napako nang lubos.
'Di na umusad pa at nakawala sa hawla.
Sa hawla ng kahapon
At unti-unting nilimot ng panahon.
Ang araw na nagbitiw ka ng pangako,
s'yang araw na naging galak ang puso ko.
Matatamis na salita, bumihag sa'king damdamin.
Nagkamali ako, aking mamarapatin
Hindi dapat ako nahulog sa isang patibong.
Butas na kung saan ay mapanlinlang na damdamin ay umusbong.
Isang mabulaklak na salita
Kapalit ay oras ng pangungulila.
Natapos ang maraming taon,
Pangako mo tila'y sa lupa ibinaon.
Pangakong marapat na pagtulusan ng kandila.
At hihilinging maglahong parang bula.




~Ika-26 ng Pebrero, 2018

Through the PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon