Kahilingan

18 0 0
                                    

Isa lamang ang kahilingan ko para sa'yo. Nais ko lamang na maging masaya ka sa daang iyong tatahakin. Kahit na magkalayo na tayo, patuloy kong hahangarin na matamo mo ang kasiyahan. Landas man nati'y magkahiwalay, mas nanaisin ko 'yon para sa'yo kaysa makulong sa isang mundo na pinamumunuan ng pasya ng iba.

Ang mga magulang natin, sila lamang ay gabay natin sa kung anong daan man ang ating tatahakin. Hindi marapat na sila pa ang magdidikta ng kung ano ang dapat mong gustuhin dahil sa bandang huli, kapag ikaw na ang nasa puwesto na dapat mo nang buhayin ang sarili mo, ikaw pa rin ang kumikilos, nagtatrabaho at patuloy na nabubuhay. Ikaw pa rin ang makikinabang sa kung ano mang desisyon ang iyong mapagpasyahan. Kung napagpasyahan mong maging tuta ng kung sino man, ikaw lang rin ang mahihirapan. Sabihin na nating alam ng ating mga magulang ang nararapat para sa kanyang anak, subalit hindi iyon rason para diktahan niya ang anak. Isa lang ang kahilingan ko para sa'yo. Ito lamang, kaligayahan. 'Wag mo sanang hayaan ang sarili mo na makulong sa hawla na ginawa ng iba. 'Wag mo sanang hayaan na lagyan ka nila ng tanikala sa mga paa o sa leeg. 'Wag mong hahayaan, ni kailanman, na maging sunud-sunuran ka at kontrolin ng iba.

Sana'y ang munting kahilingan ko ay bigyang katuparan.

~Ika-15 ng Abril, 2018

Through the PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon