Salamat!

15 0 0
                                    

Masaya ka ba?

Tatanungin kita kung masaya ka ba dyan sa daang gusto mo? Masaya ka ba sa mga bagay na pinili mo? O hindi kaya napilitan ka lang? Kasi kung masaya ka (tumawa ka, jk! Haha!) magiging masaya na rin ako para sa'yo. Hindi ba't akin nang sinabi na ang kasiyahan mo ay s'yang akin rin. Iyon ang tangi kong hangad para sa'yo. Kahit saan at kahit kailan, maging masaya ka. Kahit na minsa'y wala ako sa 'yong tabi. Maaaring nakalimutan mo na ako, kaibigan. Tila ba nanlalamig na ang iyong pakikitungo sa akin. Pero kahit ganito ay ako pa rin ay maaari mong lapitan.

Marami akong nais itanong. Marami akong nais alamin mula sa inyo. Madalas ay puro nagsisimula sa "bakit?" at "anong dahilan?" Nagsawa ka na ba sa presensya ko? O nakahanap ka na ng pamalit sa akin? Kahit ilang daan pa ang pumalit sa pwesto ko, sa akin, mananatiling may espesyal na lugar ka sa puso ko. Kaibigan, hindi kita kinokonsensya, nais ko lang malaman mo na isa ka sa mga napakahalagang tao sa buhay ko. Kung wala ka, wala ako. Wala ang taong nakilala mo--sa katauhan ko. Magsawa ka man, paulit-ulit kong sasabihin ang mga salitang "maraming salamat." Salamat at naging bahagi ka nitong aking munting alamat. Mahal kita kaibigan. Kahit sa anong pagkakataon, may pinanghahawakan ka at iyon ay ang ating munting pagkakaibigan. Kaya kahit ano mang oras ay maaari kang lumapit sa akin. Humingi ka ng yakap at aking ibibigay at hindi ipagdadamot. Minsan naman ay kailangan natin ng magsasabi na "magiging maayos din ang lahat" at yayakap sa 'yo nang napakahigpit. At ipapadama sa'yo lahat ng pagmamahal na mayroon s'ya.

Salamat kaibigan, ako man ay iyong limutin.

Through the PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon