Habang nagmamaneho ay sinusulyapan ni Nico si Avery, nakita nya ang pag buntong hininga ng dalaga. Alam nyang nasaktan nya ang ito, pero wala syang magawa, nasaktan rin kasi sya. Naalala nya ang masinsinang pag-uusap nila ni Yra…
“nico…I’m pregnant…” umiiyak na sabi sa kanya ni Yra. Hindi sya nakapagsalita kaya nagpatuloy ito “I don’t know what to do… “
Maging sya ay hindi alam ang gagawin. Naalala nya ang naging pag-uusap nila sa hotel bago nya sunduin si Avery para mag-agahan…
Isang umaga, naratnan nya ang pamilya ni Yra, Masaya nya itong binati ngunit seryoso ang mga ito “sit down iho…” ang sabi sa kanya ni arnulfo na tatay ni yra napatingin sya sa mag-asawa na nanatiling seryoso, ng sulyapan nya si yra ay nakayuko ito “kailan mamanhikan ang pamilya mo sa bahay iho?” sukat doon ay napatingin sya dito “h-ho?”.
“hindi nyo dapat inilihim ang relasyon nyo ni Yra, at hindi na dapat pang humantong sa puntong ito, hindi naman namin kayo babawalan sa relasyon nyo, nasa mga tamang edad na kayo, kailan nyo ba sasabihin samin na magkasinatahan na kayo? Kapag tuluyan lumaki ang tyan ng anak ko?” mahabang paliwanag ni arnulfo, sukat doon ay napabaling sya kay yra na nanatiling nakayuko.tiningnan nya si Yra, ngunit hindi ito nag-aangat ng tingin, napabuntong hininga sya “wag po kayong mag-alala nextweek ay makakapunta ang mga magulang ko para mamanhikan… susunduin ko ho muna si avery para makasabay na sya sa pagkain..” at tumayo sya.
Mariin nyang nahawakan ang manibela sa alaalang iyon. Hanggang sa makauwi ang mga ito ay walang salitang namutawi sa kanilang lahat.
Habang si Avery ay agad na dumerecho sa kanyang silid, nakahiga sya sa kanyang kama ng marinig pa ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Nico. “bakit ngayon pa? hindi ko dapat nararamdaman ito kay Nico…” umiling sya, she closed her eyes at hindi nya na namalayan na nakatulog na sya.
BINABASA MO ANG
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...