Nagising si Yra, agad syang napabangon ngunit pinigilan sya ni Nico. “Yra… magpahinga ka muna…”
Sumandal ang dalaga, hindi nya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha “i-is my baby okey?”
Bahagyang si Nico at tumango “oo maayos ang baby mo…”
“w-what about Martin?”kinakabahang tanong ni Yra.
Tinitigan ni Yra si Nico at hinihintay ang sagot nito “n-nico?”
“na-revive sya Yra… pero hindi pa rin sya nagigising…”
Parang nabunutan ng tinik si yra sa mga narinig, both her baby and Martin were fine. Tumikhim si Nico bago nagsalita “nakausap ko ang doctor, ang sabi nya kailangan ka munang maconfine ng mga ilang araw para masiguro ang kaligtasan nyong mag-ina… kaya nagpa-book na lang ako ulit ng flight natin sa ibang araw, magpahinga ka na, tatawagan ko sila tita Tasha…” lalabas na sana si Nico ng pigilan sya ni Yra.
“Nico, wag mo muna sabihin sa kanila ang dahilan ng pagkaka-ospital ko… I mean yung tungkol kay Martin, gusto ko kasi ako ang magsabi sa kanila…” pakiusap ni Yra.
Naiintindihang tumango si Nico “alright… naiintindihan ko… magpahinga ka na… babalik din ako agad….”
“salamat Nico…” ngumiti si Yra dito bago inayos ang sarili bago matulog.
Lumabas si Nico… at tinawagan ang mga Villaroel.
Agad na sinagot ni Tasha ang kanyang cellphone. “Nico? kamusta na? kamusta na ang anak ko? ang baby nya?”
“maayos naman ang lagay nilang pareho tita, a-ang sabi ng doctor napagod lang ho sya sa paglilibot dito… I’m sorry tita” ang sabi ni Nico sa kabilang linya.
“mabuti naman at maayos ang kanilang lagay… naku Nico alagaan mo maige si Yra, don’t hurt her, baka naman nagkagalit kayo ng anak ko…” sabi ni Tasha dito.
“hindi tita, don’t worry inaalagaan ko po dito si Yra, saka tita, ilang araw pa ho kami dito kasi kailangan pa ho obserbahan si Yra…” paalam ni Nico.
“mag-tatagal kayo dyan? Okey lang basta siguraduhin mong magiging maayos ang anak at apo ko iho… o kaya pumunta na lang kami dyan ng tito Arnulfo mo…” nag-aalala na si Tasha, kaya agad naman syang pinapakalma ni Arnulfo sa tabi nito
“okey na tita, wag kang mag-alala samin dito, tatawag na lang po .ako ulit…” paalam ni Nico
“sigurado ka Nico?” paninigurado ni Tasha.
“Tasha ano ka ba… maayos na ang anak natin, hayaan mo na sila muna…” singit naman ni Arnulfo.
“o sya sige sige Nico, mag-inga kayo dyan…” sabi ni Tasha
“k-kamusta po si Avery?” nag-aalangang tanong ni Nico
“si Avery?” bumaling si Tasha sa kayang anak kaya napatingin si Avery dito ngunit hindi tuminag si Avery.
“gusto mo bas yang makausap?” tanong ni Tasha.
“h-hindi na po, pupuntahan ko pa po si Yra, p-paki-kamusta na lang ho ako, sige tita…” paalam ni nico
“O sige Nico, mag-ingat kayo dyan…” paalam ni Tasha bago ibinababa ang kanyang cellphone sa lamesa at itinuloy ang kanilang pagkain.
Hindi na nagtanong si Avery, pero bigla nya ring na-miss si Nico, gusto nya itong makausap pero pinipigilan nya ang kanyang sarili. Nakapag desisyon na kasi syang iiwasan ang binata kung maaari, she sighed, bakit parang nasasaktan sya? Tanong nya sa kanyang sarili
“may problema ba Avery?” tanong ni Tasha sa anak ng marinig ang pag buntong hininga nito. kaya napatingin si Avery sa kanyang ina “w-wala ma…”
Mabuti na lamang at tinanong ito ni Arnulfo kaya nawala sa kanya ang atensyon ng ina, at ipinagpasalamat nya iyon.
Napasandal si Nico, hindi nya napigilan ang sariling tanungin ang dalaga, kaya nagmadali na syang tapusin ang pakikipag-usap sa mga magulang nito dahil ayaw nya makausap si Avery, hindi dahil sa may galit sya or ano, pero kasi lalo nya kasing na-mimiss ang dalaga, ngayon pang ilang araw pa sila magtatagal sa Australia ni Yra.
BINABASA MO ANG
When i'm with you (Complete)
RomanceWhat if na-realize mong mahal mo na ang isang tao kung kailan huli na ang lahat? Ikaw na ang umiiwas pero lagi pa rin syang nasa tabi mo, kaya sa bawat araw na nakakasama at nakikita mo sya ay lalong nahuhulog ang loob mo. Would you fight for your h...