Chapter 16

3.5K 93 0
                                    

Hinatid sya ni Nathan sa kanila. “salamat Nathan… sige na, baka hanapin ka na sa inyo…” bahagya syang ngumiti, lalagpasan na sana nya ito nang magsalita ito.

“Ave. sana pag-isipan mo ang mga sinabi at tinanong ko sa’yo…” pahayag ni Nathan.

Nilingon nya ito at tumango “ahm sige Nathan, papasok na ko sa loob…”

Agad syang dumerecho sa kanyang kwarto, inilapag nya lahat ng kanyang gamit at pabagsak na humiga sa kanyang kama, naalala nya ang pag-amin ni Nathan sa kanya, nagtatalo ang kanyang isip. Nararamdaman nya na sincere ito pero natatakot sya sa kung ano ang kanyang magiging desisyon.

It was Saturday, pasalamat na lang sya at wala syang pasok kaya nanatili lang sya sa kanilang bahay. Nagbilin ang kanyang mga magulang na aalis ang mga ito at sasamahan nila si Yra na magpa check up. she wanted to ask about Nico kung sasama ba ito pero pinigil nya ang kanyang sarili. Nagulat sya ng may nag-doorbell, paglabas nya ng pinto ay nakita nya si Nico “anong ginagawa nya dito?” she asked herself. Lumapit sya sa gate “wala sila, nagpa-check-up si ate. H-hindi ka ba sumama?” tanong nya dito

“h-hindi eh. Ave, can I come in?” tanong nito sa kanya.

Pinapasok nya ang binata, nagulat sya nang bigla sya nitong niyakap, nagulat sya kaya hindi sya naka-kilos. Nang matauhan ay bahagya nya itong naitulak “Nico? May problema ba?” pero hindi sya nito binibitawan.

“Sandali lang, I just wanted to hug you…” he whispered.

Hinayaan nya itong nakayakap sa kanya,  pero nang maisip nya ang kanyang ate ay naitulak nya ito “h-hindi ka ba sumama kila ate?”

Napansin nyang lumungkot ang mga mata nito “n-no… Avery… my sweet Avery…” bumuntong hininga ito.

May sasabihin pa sana si Nico, pero agad din nitong itinikom ang bibig at hindi na itinuloy ang sasabihin. Napansin iyon ni Avery, matagal na nyang kilala ito kaya alam na nyang may bumabagabag dito, pero nanatili lang syang tahimik.

When i'm with you (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon