"Is she the one ang ipinalit mo to me?. How disgusting. She's so ewy. She doesn't belong dito sa AIS. She's not mayaman and pretty. She's malandi just like you Jannie. You, dapat ka ma-kick out because wala kang money para ibayad sa tuition. You're still nandito because you seduced the Dean?. Ew, you're so kadiri."
Oo nga, I don't belong here. I'm not rich hindi kagaya nila. Pero may choice ba ako?. Do I have a chance to choose a school that I want?. Maswerte na lang nga ako dahil ako ay nakapasok para maging Scholar. Hindi pala swerte, malas pala. I didn't expect na ganito ang mga studyante ng paaralang ito.
"Uhm excuse me lang Audie huh!. Oo hindi ako kasing yaman tulad mo. Hindi ako kasing ganda mo, mas maganda kasi ako kesa sa'yo. Baka insecure ka lang kasi alam mo sa sarili mo na may mas maganda pa sa'yo kahit di kasing yaman mo. FYI hindi ako malantod gaya mo, I have brains. I did used it para makakuha ng scholarship para maging scholar. I used my brains and not my body. Diba ang dahilan kung bakit ka nasa section 1 dahil sa pera mo?. How pathetic. Mas nakakadiri ka. Kung makaasta ka ah. Hindi dahil hindi ako mayaman gaya mo, niyo pababayaan ko kayong apihin ako?. Nag-aaral ako dito para matuto hindi para apihin lang nang isang langaw na katulad mo."hiningal ako dun ah
Kitang-kita ang galit sa buo niyang pagkatao. She started it first. Mabait ako sa mabait. Angel ako sa anghel. Demonyo ako sa mga kalaban ko.
"Isa pa, ang utak ko ang makakalaban mo, baka ma-ulol ka nang hindi sa oras niyan. Ikaw na mismo ang may sabing hindi ako mayaman, wala akong maipapagamot sa'yo."natatawa kong sabi sa kanya
"Hahahaha that was amazing."
"Wow, magic."
"Hahahaha hardcore."dinig kong sabi ng mga kaklase ko
She deserves it.
"HOW DARE YOU?!."sigaw niya at akmang sasampalin ako
"Do it. Hindi lang ang utak ni August ang makakalaban mo, ganda, utak at kayamanan ko din ang makakalaban mo."sabi ni Jannie at tinignan nang masama si Audie
"You'll pay for this!."ang huling sabi ni Audie bago siya lumabas kasama ang mga alipores niya
"Damn, that was epic."
"Akala ko may sabunutang mangyayari."tumatawang ani nila
"That won't happen Ash. Langaw can't defeat August."natatawang sabi ni Jannie
Pagdating sa pera, it's a big yes. She started it first though. I just ended it. Hindi naman siguro ito makakarating sa Dean, I hope so.
"I shouldn't have done that."sabi ko
I suddenly felt nervous. I remembered that Audie's parents are one of the stock holders of this school. If she told her parents to kick out of this school, she will succeed. Ano bang magagawa ko?. Hindi ako mayaman kagaya nila.
"You don't have to worry getting expelled. Ang mga magulang ko ang major stock holders in this school. Minor lang sa parents ni Audie. You did the right thing August. Hindi sa lahat nang pagkakataon hahayaan mo lang silang apihin ka. You don't deserve it."nangungumbinsing sabi ni Jannie
Sana nga lang. Ayokong makick out. Ayokong ma-disappoint ang mga magulang ko. Tama na lahat nang pasakit na dinanas ko sa kanila. I have to make them proud of me. Ayokong bigyan sila nang rason para makagawa sila nang paraan para mawala ako. I'm afraid. Takot akong masaktan.
I wanna hide the truth, I wanna shout at you.
Biglang tumunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Agad akong lumabas sa classroom at pumunta sa loob ng girls' cr. Bago ko sinagot ay ni-lock ko muna ang cr. Bahala na.
"Yes Mom. Why are you calling?."magalang na puna ko
"Come over here. I want to talk to you."bakas ang galit at lamig sa boses niya
"Yes Mom. I will. Can you please wait for 5-----"
"Don't keep me waiting brat."putol niya sa sasabihin ko at inend ang tawag
Nanlumo ako sa narinig ko galing sa Nanay ko. She's angry with me.
Lumabas ako sa cr at bumalik sa loob nang classroom.
"Jan, kailangan kong umuwi ngayon din. My Mom wants to talk to me."
"Okay August. Just take care, okay."tumango ako bilang sagot sa kanya
Agad kong kinuha ang bag ko.
"Don't forget about tomorrow."Silver
Wala akong ganang sumagot kaya tumango na lang ako. Naguunahan sa pagtinok ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. It's like a rollercoaster. Takot, kaba at saya, halo-halo.
Tumakbo ako. Yung bilis na kaya ko. I can't make my Mom wait. I can't bear her consequences. It'll be too much for me to handle.
Pagdating ko sa parking lot ay nakita ko agad ang driver ni Mom.
"Senyorita."magalang na bati sakin
Tumango ako at sumakay sa likod. Ayoko sa harap. I've been in a trauma for 1 year. Ayokong bumalik pa iyun. It'll kill me.
"Senyorita galit ang iyong Mommy sa'yo. Sana hindi ka nalang po pumunta doon."nag-aalalang sabi ni Kuya Eddie
Bumuntong hininga na muna ako bago siya sagutin. "Wala akong magagawa Kuya E. You know my Mom very well. She can do everything she wants. Ayokong madamay pa kayo sa gulo."
"Pero Senyorita, hindi ka po dapat pumapayag na tratuhin ka nang ganun."
Anong magagawa?. Isa lang akong ordinaryong babae. I don't have money. All I have is my body, brain and rich bestfriend. Wala akong panama sa Mommy ko. She's very powerful as fuck.
"What can I do Kuya e. I can't even bear the thought of her tormenting my friend."
Hindi na nakasagot pa si Kuya E dahil nakarating na kami sa pupuntahan ko. Pwede nga lang iyung lakarin dahil napakalapit lang nito sa AIS.
Pagpasok ko agad ay sinalubong ako nang malakas na sampal galing kay Mommy.
"How dare you brat?."galit na sabi nito
Agad akong pinalibutan nang kanyang mga tauhan. Hinawakan nila ang magkabila kong kamay at sinipa ang dalawa kong tuhod kaya napaluhod ako.
"Mom what did I do wrong?."impit na tanong ko sa kanya
Pero imbis na sagutin niya ako ay pinalo niya ang tagiliran ko gamit ang kanyang sungkod na gawa sa matibay na kahoy.
YOU ARE READING
We Are
Teen FictionDon't be sad or mad if the person you love can't love you back. Don't think that it's unfair because there's someone who loves you but you can't also give it back to that person. That's why love isn't unfair. It is for you to decide if you keep on l...