Annaliese's POV
Pababa na ako mula sa kwarto ko. Ano bang naisipan ng yoongi na yon at basang basa na siya sa ulan? Wala pang dalang payong! Aish! Pabo. Kahit kelan talaga wala na siyang ibang ginawa kundi paiyakin ako.
Paglabas ko agad ko siyang sinalubong. Isinukob ko siya sa payong ko. Basang basa na siya. Jusko!
"Woy yoongi! Ano bang problema mo ha?" Tanong ko na halos mangiyak ngiyak na ko. Ngumiti naman siya at pinahid ang luha na kanina pa pala tumutulo mula sa mga mata ko. Aba? Nakuha pa niyang ngumiti ha.
"Pwede pa ba kitang idate? Di pa naman tapos diba?" Sabi niya.
"Oo naman. Kanina pa kaya kita iniintay!" Sabi ko pa.
"Pero Annaliese, may gusto lang sana akong itanong."
"S-sigeh a-ano b-bayo--" di na ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ko papalapit sa kanya gamit ang beywang ko dahilan para mabitawan ko ang payong. Ngayon parehas na kaming basang basa sa ulan.
"A-ano bang g-ginagawa m-mo?" Sabi ko habang magkadikit parin kami. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. Habang parehas kaming basang basa sa ulan.
What a perfect moment.
"Pwede ko na bang malaman ang sagot mo?"
"A-anong s-sagot?"
"I love you annaliese." Sabi parin niya habang hawak hawak ang beywang ko.
"I love you too, yoongi." Sagot ko. Ngumiti siya at napangiti narin ako. Hinila niya ako ng mas malapit pa at Naramdaman ko nalang ang mga labi niya sa labi ko. Ikinawit ko nalang ang dalawa kong braso sa batok niya at tinugon ang halik niya. Hinawakan niyang mabuti ang beywang ko. Makalipas ang sandaling iyon, naghiwalay na ang aming mga labi.
"So, tayo na?" Tanong niya. Napangiti naman ako at kinagat ang ibabang labi ko at tumango bilang sagot na oo.
"Talaga?!" Tanong pa niya na parang di makapaniwala. Narinig naman siguro niya yung 'i love you too' ko kanina diba? Jusq.
"Oo nga! Ayaw mo ba?!"
"Gusto syempre!" Sabi pa niya. At nagsisigaw dahil sa tuwa. Binuhat pa nga niya ako at umikot ikot kaming dalawa at saka niya ako binaba.
Idinikit niya ang noo ko sa noo niya.
"Mahal kita annaliese. Mahal na mahal."
"Nado saranghae."
And he claimed my lips again.
BINABASA MO ANG
Jagiya 자기야 |myg✔
FanfictionSoon to be Mrs.Min [Tagalog] "Jagiya!" "J-jagiya?" "Yes. You are now my Jagiya. Right?" <3 ×a min yoongi fanfiction /completed/ [180617] #571- minyoongi [180627] #569- minyoongi [180701] #121- min [180703] #103- min [180706] #96 - min --- Kayeden...