6:31
Walang imikan. Bakit parang ang layo ata ng nilalakad namin? Bakit parang kanina pa kami naglalakad dito? Bakit parang wala tong katapusang paglalakad? Buti sana kung parehas kaming madaldal eh. Kaso hindi. Wala ni isa ang gustong magsalita--
"Annaliese..." pagbabasag ni yoongi ng katahimikang kanina pa bumabalot samin.
"Oh?" Tugon ko.
"Pwede bang magtanong?"
"Ano naman yon?"
"Gwapo ba ko?"
Nasamid naman ako. Seriously? Tinatanong ba niya kung gwapo ba siya? Hahahaha.
Humalakhak ako ng todo.
"Oh bakit ka tumatawa?" Sabi pa niya.
"Eh kasi nakakatawa ka." At humalakhak nanaman. "Ang cute ng tanong mo haha." Dagdag ko pa.
"Seryoso ako." Sabi pa niya. Ako naman nagpipigil ng tawa.
"Ewan ko sayo. Puro ka kalokohan."
Sabi ko pa. Bigla naman siyang tumigil at hinila ako papaharap sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Hanggang ngayon hawak hawak niya parin ang braso ko. Nakatingin siya ng diretso sa mata ko. Ni hindi maalis ang tingin ko sakanya.
"Gwapo ba ko sa patingin mo, annaliese?" Diretso niyang sabi.
Ano nga ba? Jusq ang dali dali ng tanong di mo masagot Annaliese! Eh ano naman ngayon kung gwapo nga siya sa paningin mo? Anong problema don?
"H-hindi n-noh!"
Nakakat*ngina. Anong sagot yun? huhu.
"Ganon?"
"Oo?"
"Okay." Tipid na Sabi niya at nauna na siyang naglakad.
"Oy yoongi!" Sigaw ko nang habulin siya. "Teka lang! Nagtatampo ka ba ha?" Sabi ko at hinila hila ang braso niya. "Oy yoongi!"
Tumigil siya sa paglalakad kaya nabangga ako sa likod niya. Hinimas himas ko ang noo ko. "Arayyy."
Humarap siya sakin. Tinignan niya naman ako. Ganon din ako.
"Uy yoongi! Nagtatampo ka ba ha?" Sabi ko. Umiiwas naman siya ng tingin.
"Hindi noh."
"Nagtatampo ka eh." Sabi ko pa. "Oo na. Gwapo ka na."
Tumingin na siya sakin.
"Talaga?" Sabi pa niya.
"Haha ang cute mo!" Sabi ko at pinisil ang ilong niya.
"Araayy annaliese!" Sabi niya at inalis ang kamay ko sa pagkakapingot ko sa ilong niya.
"Sabi mo yan ha. Gwapo na ko sa paningin mo." Sabi pa niya at ngumiti.
"Whatever yoongi!" Sabi ko at nauna nang maglakad. Baka di ko kayanin ang nagaganap.

BINABASA MO ANG
Jagiya 자기야 |myg✔
Hayran KurguSoon to be Mrs.Min [Tagalog] "Jagiya!" "J-jagiya?" "Yes. You are now my Jagiya. Right?" <3 ×a min yoongi fanfiction /completed/ [180617] #571- minyoongi [180627] #569- minyoongi [180701] #121- min [180703] #103- min [180706] #96 - min --- Kayeden...