Pagkagising ko ay agad kong tinignan kung anong oras na para naman maipagluto ko si Jake ng maaga, bumangon ako kahit masakit parin ang aking katawan, kahit wala akong lakas ay pinilit ko paring bumangon para maipagluto ko ang aking asawa baka pagalitan niya ulit ako hindi lang pagagalitan kundi pagbubuhatan pa ng kamay. Pumasok muna ako sa Cr upang maghilamos at dali daling bumaba, baka maabutan ni Jake na wala pang nilulutong pang agahan.Pagkatapos ko magluto ay tinawag ko na si Jake para kumain ng kanyang agahan. Kakatok na sana ako ng may marinig ako na boses ng babae at boses ng aking asawa. Napabuntong hininga naman ako, may nangyari nanaman siguro sa kanila kagabi. Ngunit tinuloy ko parin ang aking gagawin na pagkatok.
"Jake, kumain ka na nagluto ako." tawag ko sa kanya.
Ngunit umasa naman ako na sasagot siya sa aking sinabi.
Maya- maya ay bumaba na ang aking asawa at ang kaniyang mukhang dalang babae na kulang nalang ay maghubad sa sobrang iksi ng damit. Napatingin naman sakin yung kasama niyang babae kaya naman napayuko ako sa hiya. Nilagpasan lang ako ni Jake na parang hindi niya ako nakita. Palagi namang ganyan eh. Yung tipong parang invisible lang ako sakanya, nasayang lang yung effort ko sa pag luto ng pagkain na 'to, gumising pa naman ako ng maaga para lang maipagluto ko ang aking asawa. Ako nalang ang kakain nito sayang naman kung itatapon ko. Napabuntong hininga nalamang ako. San ba ako nagkulang Jake? Jake ginagawa ko naman ang lahat para mahalin mo'ko pero anong ginawa mo? sinasaktan at pinagbubuhatan mo ako ng kamay. Naalala ko na naman dati, ang dahilan kung bakit ako nagkanito.
FLASHBACK.
"Hi Jake!" salubong ko sa kanya habang nakangiti.
"Sino yung kasama mong lalake Kreila?!" sigaw niya sakin.
Nagulat naman ako dahil ngayon niya lang ako nasigawan ng ganito, dahil sa sobrang kaba ay hindi ko na alam kung pano at ano ang aking isasagot, natatakot ako kaya naman wala akong maisagot sakanya. Mas lalo pa akong nagulat ng bigla niya akong sampalin. Napahawak nalang ako sa aking pisnge.
"Sumagot ka Kreila! sino yung lalakeng kasama mo kanina ha?! napakalandi mo palang babae ka, walang hiya ka!!"
Sasagot pa sana ako ng bigla niya akong hinila papunta sa kusina at pinagsasampal ng napakalakas. Iyak lang ang nagawa ko nung mga panahong iyon pagkatapos nun ay nanghina na ako at ang di ko inaasahan ay buntis pala ako nung mga panahong iyon, at si Jake ang ama. Ngunit nawala rin ang aming anak kaya lalong nagalit sakin ang aking asawa.
END OF FLASHBACK.
Habang iniisip ko ang nakaraan ay di ko namamalayang tumutulo na pala ang aking mga luha. Tama na ba? o Kakayanin ko pa? ang sakit sakit na sobra. Di ko na kaya, sumuko nalang kaya ako? pero di ko pa talaga kayang iwan si Jake. Sana kahit minsan sumaya naman ako sa piling ng aking asawa. napabuntong hininga nalamang ako.
Dahil sa pagod at kakaisip di ko na namalayang nakaidlip na pala ang aking mga mata.
Nagising ako ng bandang alas sais ng gabi, ipagluluto ko muna si Jake mas mabuti ng maaga akong magluto para pagdating ni Jake ay hindi na niya ako kailangan pang pagalitan at pagbuhatan ng kamay.
Nauna na akong kumain kay Jake, ayaw niya kasi akong kasabay kumain. Dahil nandidiri siya sa akin, tinakpan ko muna ang aking nilutong ulam para kay Jake. Ba't ba nandidiri sakin si Jake? napabuntong hininga nalamang ako.
Mag ha hatinggabi na, ngunit wala pa din si Jake, kaya nagpunta muna ako sa sala para manood ng A love so beautiful. Gusto kong tawagan si Jake pero baka ma-isturbo ko pa si Jake, busy lang siguro siya kaya hindi pa siya umuuwi. Pano kung puntahan ko si Jake sa kanyang Opisina? dalhan ko nalang kaya siya para sa Dinner niya? pero pano? baka pagalitan niya ako. Hihintayin ko pa sana si Jake ngunit hindi na kaya ng aking mga mata dahil inaantok na ako, siguro dahil lang sa pagod. Kaya pinatay ko ang Tv at umakyat at dun na ako natulog sa Guest Room. Oo, Guest Room simula kasi nung nakita ako ni Jake kasama ang aking ----
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Pabitin muna syempre. Sino kaya yung kasama ni Kreila? hmmmm. Ex? or Kabit?
Hi? HAHAHAHA ngayon lang ulit ako nakapag update HAHA. Tinatamad pa kasi akong mag UD ehm

BINABASA MO ANG
The Battered Wife
De Todo" Siguro panahon na para bitawan kita, sawang sawa na ako sa mga pinag gagagawa mo tao lang din ako. " " I'm sorry " yan ang mga salitang narinig ko sakanya, kung saan huli na. Nasan ka nung mga panahong kailangan kita? ngayon lumuluhod ka at nag ma...