Chapter 4

109 6 0
                                        


Nagising ako, ngunit nabigla ako dahil wala ako sa sarili kong kwarto. Tiningnan ko ang paligid, nasa hospital na naman ako, pangalawang bahay ko na siguro to maliban nalang sa tinitirhan nami ng asawa ko ngunit sino naman ang magdadala sakin dito? si Jake kaya?

Napangiti naman ako, siguro si Jake talaga ang nagdala sakin dito. Wala namang ibang tao dun sa bahay eh, kahit masama ang ugali nito concern din pala eto sakin? hahaha. Pipikit na sana ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Ja-- Kuya? anong ginagawa mo dito? si Jake po? nasaan siya?" gulat kong tanong.

Walang iba kundi ang aking kapatid, siya yung lalakeng kasama ko dun sa bahay na napagkamalan ni Jake na lalake ko.

FLASHBACK

Kasalukuyan akong nagluluto ng biglang may kumatok, napa-aga naman si Jake. Ngunit nabigla ako ng hindi si Jake ang aking nakita kundi ang aking kuya.

"Oh, kuya? napadalaw ka."

"Kamusta ang buhay may asawa Krei? masaya ba? Hahaha" Ani kuya.

" Ayos lang naman kuya haha." sagot ko.

"May magiging pamangkin na ba ako? Hahahaha" biro nito.

"Oh, saktong sakto may niluto ako kumain ka muna kuya."

"No need na, mabilis lang naman ako eh." napa tango nalang ako bilang sagot.

"Krei, halika nga dito. " kahit nagtataka ay lumapit parin ako sakanya.

"Krei, hindi ka ba sinasaktan ng asawa mo?"

"Hindi naman po kuya, bakit po? "

"Wala lang, wag kang mahihiyang lumapit samin Krei pag sinaktan ka ng asawa mo. Nandito lang kami na nagmamahal sayo."

"Basta Krei, pag sinaktan ka ng asawa mo nandito lang ako. Mahal na mahal kita. "

"Yes boss! wag kang mag-alala sakin. Ayos lang ako. "

END OF FLASHBACK.

"Wala si jake." malamig niyang tugon.

"Sinong naghatid sakin dito?"

"Edi sino pa? obvious naman diba?" sagot niya, si kuya naman eh pinapahaba pa yung storya.

"So sino nga?" inis kong tanong.

"Walang iba kundi ako." sagot niya habang nilalagay yung mga pinamili niyang pagkain.

"Oh eto, kumain ka muna." binalewala ko nalang ang sinabi niya. Agad naman akong nalungkot ng malaman kong hindi pala si Jake ang nagdala sakin dito umasa ulit ako.

"Krei, ano wala kang balak kumain? Krei ang payat mo na. Tapos ang dami mong pasa!"

"Kuya, I need to go hinahanap na ako ng asawa ko." aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Hinahanap? hinahanap ka niya para mapag buhatan ng kamay? para gawing punching bag yang mukha mo." turo niya sa mga pasa ko.

"K-kuya, salamat sa pagdala mo saken dito."

"Krei, sumama ka nalang kaya sakin, dun tayo titira kina Mama't Papa. Sinasaktan ka ng asawa mo. Look what happened to your body. Ako na ang mag-aasikaso ng divor--" seryosong sabi nito. Hindi na natuloy ang sinabi ni Kuya ng biglang pumasok si Paula.

"Krei, kamusta? okay ka lang ba? sinaktan ka na naman ba ng asawa mo?" bungad sakin ni Paula.

"Ah sige Krei, lalabas muna ako. " pipigilan ko na sana si Kuya ng magsalita si Paula.

"You know what Krei, hindi lang naman si Jake ang lalaki sa mundo eh."

"Alam ko yun Paula, pero si Jake lang ang laman nitong puso ko! Siya lang at wala ng iba pa!"

"Napaka martyr mo talaga Kreila. Ikaw nandito sa hospital, pero yang puxxxxina mong asawa eh lumalandi lang!" sigaw niya sakin.

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon