Chapter 3

110 5 0
                                    


Jake's POV

Nandito ako ngayon sa bar kasama ko ang aking mga barkada, ayoko munang umuwi naiinis ako sa tuwing nakikita ko yung babaeng yun. Gusto ko siyang pahirapan kung hindi lang sana siya lumandi edi sana hindi ko siya pinag bubuhatan ng kamay. Niloko niya ako. Minahal ko siya pero ngayon hindi na, ewan ko ba naiinis talaga ko sa tuwibg nakikita ko yung mukha niya gusto ko siyang pahirapan, sampalin at suntukin. Mas lalo akong nagalit nung namatay yung anak ko pinatay niya yung anak ko. Hindi niya iningatan yung mahal ko dalawang taon kaming kasal, dalawang taon ko ding hinintay na magkaroon ng sariling anak.

Napatigil ako sa pag iisip ng bigla akong tawagin ng Kaibigan kong si Clarence

"Ang lalim yata ng iniisip mo pare ah? iniisip mo ba yung asawa mo? hahahaha " biro nito kaya napa tawa nalang din ako.

"Alam mo pre, bat di mo siya hayaang ipaliwanag ang lahat sayo pre? malay mo kapatid niya lang o di kaya kamag-anak diba?" dagdag pa ni Jacob.

"Kelangan pa ba yon? eh narinig ko nga yung pinag-uusapan nila eh tssk!" sagot ko.

FLASHBACK

Papasok na sana ko ng bahay ng may marinig akong may kausap yung asawa ko, boses ng lalake. Kaya naman para marinig ko ang pinag-uusapan nila ay mas lalo akong lumapit sa pinto. Sinilip ko silang dalawa kung saan nakatalikod yung lalake kaya hindi ko makita yung mukha niya kung sino siya.

"Basta Krei, pag sinaktan ka ng asawa mo nandito lang ako. Mahal na mahal kita." sabi nung lalake.

Hinalikan pa niya ang noo ng aking asawa.

"Yes boss! wag kang mag-alala sakin. Ayos lang ako." sagot ng aking asawa.

END OF FLASHBACK.

Mag aalas tres na pala ng umaga hindi ko na namalayan yung oras. Napa sobra ata yung pag inom ko. 

" Mga pre mauna na ako, tumawag na kasi yung girlfriend ko eh." sabi ni Clarence.

Maya-maya naman ay sumunod na din si Jacob hinahanap na kasi siya ng mama niya kaya ako nalang ang natira dito sa bar. Uuwi nalang din ako. Pag-uwi ko ay nakapatay na yung mga ilaw sa sala. Ngunit nagulat ako kung bakit ako pumasok sa kwarto ni Kreila. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Namamaga na naman ang kanyang mga mata. Umiiyak na naman siya ng dahil sakin. Mas lalo akong nagulat sa ginawa ko ng bigla ko siyang hinalikan sa kanyang pisnge.

Pagkatapos ay pumasok na ako sa aking sariling kwarto para matulog na, Linggo naman bukas kaya wala akong pasok. Siguro mag papahinga nalang ako.

Kreila's POV

"Since it is your intention to enter the covenant of Holy Matrimony, join your right hands, and declare your consent before God and his Church." the Priest said.

They join their right hands.

"I, Jake, take you, Kreila , for my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"I, Kreila, take you, Jake, for my lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

"You may now kiss the-"

Nagising ako ng biglang may naramdaman akong malamig na tubig sa aking katawan. Binuhosan ako ng aking asawa ng malamig na tubig.

"Hoy babae! ano matutulog ka lang dyan? ha?! wala ka bang balak magluto?!!" sigaw ng asawa ko.

"P-pasensya na Jake, ang sakit kasi ng k-katawan ko." sagot ko habang nanginginig sa lamig.

"Wala akong pakialam, magluto ka na dun! wala kang kwenta!" sigaw niya sakin bago lumabas ng aking kwarto.

Nag hilamos muna ako at bigla naman akong nalungkot ng maalala ko ang aking panaginip. Yun yung panahong kinasal kami sa Singapore. Napabuntong hininga nalamang ako at tiningnan ko ang aking mga pasa sa katawan. Nilagyan ko naman ito ng Ointment para kahit papaano ay mawawala din eto, ngunit mawawala nga ba? kung araw-araw miya naman akong pinagbubuhatan ng kamay? eto na naman ulit ako, umiiyak. Naghilamos nalang ulit ako at dali daling lumabas, akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang si Jake na mismo ang nagbukas. Nabigla ako dahil sa nanlilisik niyang mga mata, Oh no! galit na naman siya. Lagoot!

"Tapos na akong maligo, pero hindi ka parin nakapag luto?!! bwisit ka talaga!" sigaw niya sakin.

Hinawakan niya ang aking braso at hinatak niya ako papuntang kusina. At dun niya ako pinagsasampal at sinuntok ang aking sikmura. Napaiyak naman ako sa sakit.

"Tama na Jake!" sigaw ko sakanya habang naghihina.

"Sinisigawan mo pa talaga ako ha!" mas lalo niyang sinuntok ang aking sikmura at tinadyakan niya ang aking mukha. Di ko na kaya, napapikit nalang ako sa sobrang sakit pero patuloy parin siya sa pag tadyak saking mukha kaya di nagtagal ay nawalan ako ng malay.

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon