Chapter 1

295 9 1
                                    


Isang malakas na suntok ang tila nagpabalik sa akin sa katotohan mula sa isang napaka saya at napaka gandang panaginip, ang isang galit na galit na mukha ng aking asawa lasing nanaman siya kaya siguro pagbubuhatan niya nanaman ako ng kamay, agad naman akong bumangon para tanungin kung may kailangan sya.

"A-anong kailangan mo Jake?" tanong ko habang kinakabahan

"Putang ina! pagod na pagod na nga ako galing sa trabaho tapos tatanungin moko kung anong kailangan ko? tapos wala ka pang naihahandang pagkain wala ka talagang kwentang asawa! wala ka ng ibang ginawa kundi ang matulog!" saka niya ako sinampal pagkatapos hinablot niya ang aking mga buhok.

"So-sorry Jake magluluto nalang ako, ano bang gusto mong kainin? ipagluluto kita. Bitawan mo na ang buhok ko Jake nasasaktan ako. " sabi ko habang namimilipit sa sakit

"Kahit ano basta ipagluto moko, talagang masasaktan ka kung di mo gagawin yung simpleng gawain dito sa bahay na to wala ka nang ibang trabaho kahit pagluluto hindi mo magawa."  sagot niya habang binitawan ang aking buhok.

"Sige magbihis ka muna don, magluluto lang ako mabilis lang naman to eh" sabi ko habang papunta sa kusina

Kasalukuyan kong niluluto ang kanyang paboritong pagkain na Adobong Manok, naalala ko tuloy yung dati yung mga panahong hindi niya pa ako pinagbubuhatan ng kamay yung mga panahong hindi siya umuuwi ng lasing, aat yung ma panahong wala pa siyang inuuwing mga babae. Naalala ko nung pinagluluto ko siya ng Adobo yung pag uwi niya galing sa trabaho tapos nakikita ko yung mga ngiti niya pero biglang natigil ang aking pag-iisip ng biglang may na amoy akong kung anong nasusunog, lagot! yung niluluto ko, patay na naman ako nito sa asawa ko.

Aabutin ko na sana ang aking niluluto ng biglang dumating ang aking asawa.

"Bakit may naaamoy akong nasusunog?" galit na tanong niya.

Agad naman itong napamura ng makita niyang nasusunog ang aking niluluto. Napatakbo ito sa direksyon ng stove at siya na mismo ang pumatay. Ng ito'y humarap saakin ay  bigla niya akong sinampal ng malakas at sinipa dahilan ng aking pagkatumba hindi pa siya nakunteto at sinuntok niya pa ang aking sikmura.

"Tingnan mo ang ginawa mo?! tatanga-tanga ka kasi eh?!"

"Pasensya na..." malumay kong sabi habang umiiyak.

"Nakakawala ka ng gana. Anong iniiyak-iyak mo jan?! tumayo ka na jan at linisin mo yang kalat mo." malamig niyang tugon. Saka umalis sa kitchen paakyat sa ikalawang palapag. Narinig ko pa ang padabog niyang pagsara sa kaniyang pintuan. Naiwan naman akong luhaan.

Siya nga pala ako nga pala si Kreila Smith-Lee ang The Battered Wife ni Jake Willson Lee.

Di ko mapigilang humagulgol habang naglilinis.

Nakita ko naman siyang lumabas ng kanyang kwarto at tatanungin ko na sana siya ng bigla nalang siyang lumabas ng bahay. Nagpahinga muna ako dahil sa sakit  sanhi ng kanyang pagkakasipa sakin kanina, naiwan na naman akong mag-isa sa bahay. Narinig ko namang tumutunog ang aking keypad na cellphone. Napakahigpit kasi sakin ni Jake kahit yung mga pinamili niyang gamit at damit na para sakin sana ay kaniya ng sinunog. Sinagot ko naman ang tawag na nanggaling sa aking kaibigan na si Amethyst . Simula pa nung highschool kaklasi ko na si Amethyst kaya naging best friend ko na siya siya ang aking tinatakbuhan dati ng aking mga problema.

"Hello Amethyst?" tanong ko.

"Uhm, Hi Kreila kamusta kana? ang tagal nating hindi gumagala ah? kamusta naman ang buhay may asawa masaya ba? oooy! ano may nabuo na ba jan sa tiyan mo? Oy ninang ako haa!"

"Baliw hahaha wala pa namang nabubuo pero masaya naman ang buhay may asawa." I lied.

"Oy! tara, gala din naman tayo nina Paula kahit minsan, ano game ka?"

The Battered Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon