The story of us...

74 1 0
                                    

June 26, 2012

+++

===

1 message received

From: 09291234567

Hey you! Yes you! Suplada naman. Ayaw magreply. :P

===

“Sino ba itong unknown no. na ito? Parang close kami at text pa ng text sa akin.”

“Angel, tulungan mo nga muna ako dito sa kusina,” tawag sa akin ni mama.

“Opo, pababa na po!”

***

Angel’s POV

Akala ko handa na ako sa isang relasyon. Hindi pala. Akala ko magtatagal kami. Hindi pala. Akala ko magiging maayos ang lahat. Hindi pala.

“Angel, anak. Huwag ka muna magboboyfriend. Ang bata-bata mo pa. You’re only 15. Gusto ko intindihin mo muna ang pag-aaral mo para din ito sa future mo. Mag-aral ka mabuti para hindi ka mawala sa honor.”

“Pero Ma…”

“Walang pero, pero basta sundin mo na lang ako.”

Ito lagi ang pangaral sa akin ni mama dati. Simula ng mamatay si Papa noong ako ay 14 pa lang dahil sa isang car accident. Naging mahigpit na siya sa akin. Naiintindihan ko naman siya dahil siya na lang ang bumubuhay sa aming dalawa ng baby sister ko na si Trixie.

Noong 4th year highschool na ako ay kinuha na ni mama ang pamamahala sa naiwang business na grocery store ni Papa sa mga kapatid nito.

Pero dahil sa isang lalaking bigla na lang sumulpot sa buhay ko ay sinuway ko ang pangako ko kay Mama.

Angelex’s POV

“Mr. Angelex Villarubia. Ikaw na ang next. ”

Naandito ako ngayon sa try out para sa mga aspiring members ng basketball team ng aming school.

“Congrats, Villarubia pasok ka na sa team!”

***

Ako nga pala si Angelex Villarubia. Ang first boyfriend ni Angel Reyes. Pero hindi siya ang first girlfriend ko. Sikreto lamang ang relasyon namin. Sabi niya isikreto daw muna namin dahil hindi ito dapat malaman ng mama niya. At dahil mahal ko siya ay pumayag ako.

Pero hanggang ngayon tinatanong ko pa rin sa aking sarili…

MINAHAL NIYA BA AKO?

Tatlong taon na rin ang nakakalipas...

Angel, mahal pa kita hanggang ngayon!!!

The short story of us…

Matagal ko nang crush si Angel. Si Angel na matalino. Si Angel na tahimik. Si Angel na simple. Si Angel na para sa akin ay pinakamaganda.

Nagsimula ang lahat sa isang text. Kinuha ko ang cp no. niya sa friend ko na classmate niya. Ayaw pa nga niya magreply noon. Tinext ko nga na suplada siya.

Text conversation namin…

Angel: Ano? Sino ka ba?

Ako: Angelex

Set An Angel FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon