GALIT

30 1 0
                                    

Galit

ni iloveyouknowwho



Mga salita na puno ng galit

Sa damadamin ko, hatid ay sobrang sakit

Nabubuhay ako sa kalungkutan

Dito madarama mo ang katahimikan

Parang ako'y nag-iisa sa kawalan

Parang walang tao kahit saan

Puro kadiliman

Tumutulo ang luha ko ng dahan-dahan

Huwag sanang ipakita sa akin

Na ang isang tulad ko'y walang karapatan

Na mabuhay sa mundong ito kailanman

Gayong wala naman akong kasalanan

Hindi ko naman hinihinging patawarin

Nais ko ako'y mahalin

Kahit huwag mong sabihin

Basta ipadama mo sa akin

Set An Angel FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon