MGA TULA

58 0 0
                                    

Just wanna share the tagalog poems I've made back in highschool.

The Hidden Love

by iloveyouknowwho

I

Sa dinami-dami ng lalaki sa iskul na ito

Ikaw pa ang nagustuhan ko

Ewan ko ba kung bakit tanga ang puso ko

O talagang ako ang bobo

II

Ano bang meron ka?

At ang paningin ko ay iyong nakuha

Ano bang meron ka?

At itong puso ko ay nakisali pa

III

Hindi ka naman masyadong gwapo sabi nila

Pero ang iba hangang-hanga sa'yo talaga

Dahil siguro sa katangian mong maganda

Isa siguro ako sa kanila

IV

Ano ba talagang ginawa mo?

At ako'y patay na patay sa'yo

Siguro gusto ko talaga ang mata mo

Na nagpatibok ng puso ko

V

Alam ko namang hindi mo pansin

Kahit ano aking gawin

Hindi pinapansin aking damdamin

Bakit? Dahil ba may nagmamay-ari na ng puso mong 'yan

VI

Alam ko naman na mahal mo talaga siya

Pero paano namang gagawin ko kaya?

Kahit pilitin kong kalimutan ka

Ikaw talaga ang nais at wala ng iba

VII

Ginawa ko na lahat para kalimutan ka

Naghanap ako ng iba

Para ipalit sa puso kong nangungulila

Dahil sa pag-ibig na inaasam na hindi nakuha

VIII

Okay lang kahit hindi mo ako mahalin

Basta ako heto pa rin

Handang ikaw ay alalayan

Sa oras na iyong kaylangan

IX

Ngunit tanong ko lang sa aking sarili

Paano iyon mangyayari?

Kung aking pangalan ay hindi mo masabi

Dahil hindi mo ako kilala pa ng mabuti

X

Ngayong malapit na akong lumisan dito sa iskul

Na aking pinakamamahal

Kung saan uma kong naranasan ang magmahal

Na wala kasing mahal

XI

Isang taon na lang ang nalalabing panahon

Para maihatid ko sa'yo aking nararamdaman

Na sa tingin ko'y walang hanggan

At magpakailanman

XII

Hay naku! Hayaan na nga natin iyan

Marami pa namang pagkakataon

Malay natin sa susunod na taong iyon

Ito na talaga ang nakahandang pagkakataon

XIII

Masabi na sa iyo ng harapan

Habang sa mata mo ako'y nakatingin

Biglang sabing, pwede ba kitang maging KAIBIGAN?

Kung ayaw mo naman pwede bang KA-IBIGAN!!!

Set An Angel FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon