Kaibigan
ni iloveyouknowwho
Isa kayo sa mahalagang parte ng buhay ko
Na nais kong malaman niyo
Hindi pinabayaan ako
Sa oras na kailangan ko kayo
Naaalala ko lahat ng ating pinagsamahan
Ang walang humpay na tawanan
At walang kupas na biruan
O 'di kaya'y nakalulunod na iyakan
Gusto ko sana malaman niyo ang lubos kong pasasalamat
Sa lahat- lahat
Lahat ng iyon ay hindi mawawaglit
Kayo talaga'y walang kapalit
Masasabi ko talagang kayo ay tunay na kaibigan
Sapagkat hindi niyo ako iniwan
Binigyan niyo ako ng kasiyahan
Sa puso kong puro kalungkutan
Bilib din ako sa inyo
Hindi ko akalain na matatanggap niyo
Kung sino talaga ako
Pati ang hindi maintindihang ugali ko
Minsan ay pilit ko kayong nilalayuan
Dahil sarili ko ay hindi ko mapigilan
Dahil sa nararamdamang kalungkutan
Sa aking pag-iisa sa kawalan
Naniniwala ako na kayo'y lahat aking kaibigan
Kahit kayo'y hindi ako nais maging kaibigan
Iyon naman ay talaga'y hindi maiiwasan
Dahil iba-iba ang ating pinaniniwalaan
At ngayong tayo ay maghihiwalay-hiwalay
Mag-iiba na ang ating buhay
Kahit gusto ko na walang bitawan ng kamay
Na simbolo ng pagkakaibigan na ating taglay
Sana'y 'wag niyo ako kalimutan
Tulad ko na hindi ko kayo kalilimutan
Dahil bahagi kayo ng nakaraan
At hindi lang iyon pati sa kasalukuyan
BINABASA MO ANG
Set An Angel Free
PoetryIsa lamang ito sa bahagi ng kwento ng pag-ibig ni Angelex kung saan kailangan niya pakawalan ang isang babae na nagpatibok ng kanyang puso. One shot story lang ito. XD