ATHENA
Naglakad kami patungong west at hinanap ang golden ring. Nasa dulo na kami pero wala pa rin kaming mahanap.
"Tignan natin sa south, baka nanduon." Suggest ni Themis.
Naglakad naman kami patungong south.
Sa kalagitnaan ng paglalakad at nagutom kami. Buti nalang at may dalang pagkain si Triton.
Pagkatapos naming kumain ay nagsimula ulit kaming maghanap.
Almost eight hours na kami naghahanap pero wala pa din. Nagtungo na kami sa north at east kaso wala pa din.
"Baka may nakahanap na?" Sabi ni Themis.
"Kung may nakahanap na edi sana nainform tayo." Kontra ni Zeus.
Dahil pagod na pagod na kami, umupo muna kami sa tabi ng puno.
Dahil desperado akong mahanap ang golden ring, inisip ko lahat ng mga pangyayari na naganap kanina.
Inisip ko ang mga nangyari simula kaninang umaga.
*light bulb*
Yung kakaibang staff kanina! May napansin akong kumikinang sa kamay niya!
"Guys! Wala sa forest na ito ang golden ring!" Sabi ko.
"What do you mean by that?" Tanong ni Triton.
"Kung wala sa forest edi nasa isang tao!" I explained.
"Kilala mo ba kung sino 'yon?" Tanong ni Apollo.
"Yes. Kaninang umaga, may napansin akong kakaibang staff. May nakita akong kumikinang sa kamay niya!"
"Then, let's head back to the site." Sabi ni Themis kaya tumayo na kami at nagtungo sa camp site.
Pagkarating namin sa site ay hinanap namin ang staff.
Nakita namin siya na nagse-set ng bonfire.
Pinuntahan namin siya at kinausap.
"Anong maitutulong ko sa inyo?" Tanong niya.
Kinwento ko naman sa kaniya ang napansin ko kanina at ang nais ko.
"You're right. Nasa akin nga. You have an eagle eyes. I respect you." Sabi niya at binigay ang golden ring.
Agad naming pinuntahan si Principal Alexandria at pinakita ang golden ring.
"Saan niyo yan nakita?" Tanong niya sa amin at sinabi ko ang mga pangyayari.
Tinawag niya na si Hendrix at inutusang pabalikin na ang mga gods and goddesses.
"The golden ring is already found. You may now hunt for your food.” Sabi ni Principal Alexandria.
Since kami ang nakahanap, magdi-dinner kami sa buffet.
Hinatid kami ng mga staff sa buffet at nagsimula na kaming kumain.
Konti lang ang nakain ko dahil wala akong gana at medyo busog pa ako sa pagkain na binigay ni Triton.
“Babalik na ako sa tent para makapag-ayos ng sarili ko.” Paalam ko sa kanila.
“Gusto mong samahan kita?” Tanong ni Themis.
“No need. I can manage my self.” Sabi ko at nagtungo na sa site.
Malapit na ako sa site ng may narinig akong kaluskos.
Napatingin ako sa paligid ko. Pagtalikod ay nakita ko si Pheito at ang mga alipores niya naming Pheme and Kotys.
“Oh andito pala si golden-ring-founder.” Wika ni Pheito.
“Anong kailang niyo sa akin?”
“Simula noong dumating ka dito sa Phoenix University, inagaw mo na ang lahat sa akin. Dapat ako lang ang may maraming kaibigan. Dapat ako ang ka-close ni Hendrix. Tapos hindi mo pa pinalampas si Zeus?”
“Hindi ko naman ginusto 'yon!”
“Kahit na. At alam mo ang maganda? Yung mawala ka dito sa buong Phoenix Kingdom!”
Sinensyasan niya ang mga kasama niya.
Naunang lumapit sa akin si Pheme at sinampal ako.
Sumunod naman si Kotys at Pheito. Pagkatapos niya akong sampalin ay binugbog nila ako.
BLACKOUT
-
Nagising ako at una kong napansin ay nasa tent ako.
“Buti naman ay nagising ka na.” Wika ng lalaking nasa tabi ko.
“I'm Asclepus Jones, God of medicine, Health, healing, rejuvination, and physician. I'm a Roseheart. Ako ang gumamot sayo.”
“Paano mo ako natagpuan.”
“Well, hindi ako ang nakatagpo sayo.”
Biglang may pumasok na dalawang lalaki sa tent ko.
“Hi! Buti naman at nagising ka na. I'm Kratos Martinez, God of strength.”
“Hercules Hall, strongest.”
“We're both a Knightshade at kami ang nakahanap sayo.” Wika ni Kratos.
“Thank you.”
“Ayos ka na ba? Mamaya-maya ay magsisimula na ang bonfire.”
“Sige, magpapahinga lang ako.”
“Maiwan ka na namin. Kapag may masakit sayo, tawagin mo lang ako. Magpagaling ka.” Wika ni Asclepus at lumabas na silang tatlo sa tent.
BINABASA MO ANG
Phoenix University
FantasyAll Rights Reserved© 2017 Original Story by: Im_Aliana_28 Book Cover by: leah_ann Date Started: June 18, 2017 Date Ended: Highest Rank: #500 in Fantasy