D1

6 2 0
                                    

Dear Diary,

Alam mo ba na masaya ako ngayon? Bakit? Dahil nakatanggap ako ng regalo mula sa matalik na kaibigan ko na nag aaral ng medisina sa ibang bansa. Actually bestfriend ko siya simula nung Diaper days pa lang namin, nakakatuwa diba? Kasi akala ko nakalimutan niya na ako, nag tatampo ako oo pero alam kong para sa future niya din 'yon. Bata pa lang ako, na-diagnose na ako na mahina ang puso ko, very risky kung magpapa-opera ulit ako kaya napag desisyunan namin na i-maintain nalang namin muna ang mg gamot dahil wala pa ding heart donor na compatible sa akin. Okay naman ako, malakas pa din naman kahit papaano umabot nga ako ng 22 years old diba? Ang cliché ng kwento ng buhay ko, minsan iniisip ko na sana wala akong sakit, sana hindi ako mahina, sana magkaroon pa ako ng sariling pamilya ngunit napaka imposible na siguro mangyari 'yon. Pero think positive pa din ako, why not? Masarap sulitin ang buhay, kailangan ko maging malakas sa muling pagbabalik ni Kiel. Malapit na siyang grumaduate sa college, ilang kembot nalang daw uuwi na siya. Pinadalhan niya ako ng mga litrato na kinunan niya sa Amerika, sabi ko sa kaniya gusto kong maranasan ang pumunta sa ibang bansa, makakita ng snow at makapasyal kung saan saan. Mag papagaling ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil alam kong mahaba pa ang lalakbayin ko. Mahaba pa ang oras ko, at malalabanan ko ang puso kong unti-unti nang napapagod.

-Sana

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon