Dear Diary,
Binisita ako ni mama ngayon, ang dami niyang dinalang pagkain na paborito ko at mga prutas para makain ko. Kinamusta niya lang ang lagay ko, at katulad nang dati umalis din agad siya para bumalik sa mansyon. Ayos lang naman sa akin kasi alam kong malaki ang utang namin sa pamilya Castillo, nahihiya din kami kasi hanggang ngayon sinusuportahan pa rin nila ako. Na kahit dito na ako tumira sa ospital dahil sa kalagayan ko hindi pa rin sila humihinto at nawawalan ng pag-asa na gagaling ako. Kanina naisip ko na kung maari akong lumabas sa ospital na 'to pag uwi ni Kiel, gusto kong matupad lahat ng wish lists ko. At sana matapos ko 'yon na malakas kasama niya. Pasensya na Diary kung hindi ako araw-araw nakakapag sulat. Madalas kasing nakakatulog ako ng maaga dahil sa mga gamot na iniinom ko, kaya kung may mga mahahalagang bagay na nangyayari sa araw ko, agad kong isusulat 'yon.
-Sana
![](https://img.wattpad.com/cover/140217311-288-k848653.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana
HumorDear Diary, Ako si Sana, Sana Villarama. Ang weird ng pangalan ko diba? Ewan ko kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko pero so far, so good. Nae-enjoy ko kasi yung pangalan ko, nabibigyan ng hugot ang mga salita gaya ng "Sana lahat...