Dear Diary,
May nakilala ako sa kabilang ward bata pa siya, nalulungkot ako dahil ang bata pa niya para danasin ang hirap at sakit dahil sa Injection na tinuturok sa kanya. Kung sana nakapag aral ako, gusto ko din maging doktor tulad ng bestfriend kong si Kiel, ayoko kasi talagang may nakikitang nahihirapan dahil sa sakit na tulad ng sa akin o yung mas malala pa pero may pag-asa namang gumaling ng tuloyan. Siya si Alice, madalas siyang bumibisita sa kwarto ko o di kaya naman ako ang nag pupunta sa kwarto niya. Kung tutuosin pwede naman ako sa bahay mag maintainance ang kaso wala akong kasama sa bahay, si mama namamasukan lang bilang katulong sa isang mayamang pamilya, mabait sila. Dalaga pa lang si mama doon na siya namamasukan, ang mga Castillo ay isa sa pinaka kilalang pamilya sa buong Pilipinas Si Alexander Kiel Castillo ang bunso sa magkakapatid, kababata ko siya. Mayaman sila pero hindi matapobre tulad ng ibang mayayamang pamilya. Sila ang nag pagamot sa akin at patuloy na sumusuporta, tulong na rin nila dahil hindi na kami iba sa kanila. Araw-araw akong nagpapasalamat sa kanila, at sana balang araw masuklian ko din ang mga naitulong nila.
-Sana
![](https://img.wattpad.com/cover/140217311-288-k848653.jpg)
BINABASA MO ANG
Sana
HumorDear Diary, Ako si Sana, Sana Villarama. Ang weird ng pangalan ko diba? Ewan ko kung bakit ganito ang ipinangalan sa akin ng parents ko pero so far, so good. Nae-enjoy ko kasi yung pangalan ko, nabibigyan ng hugot ang mga salita gaya ng "Sana lahat...