Chapter 15

29.7K 776 8
                                    

Snow smiled after letting go of her luggage.

Kababalik lang niya sa Australia dahil hinayaan siya ni Jax na umalis mag-isa para bisitahin ang kaibigan niyang si Bea. Hindi niya ito tinigilan hangga't hindi ito pumapayag. Masyado siyang nag-alala kay Bea dahil sa sinapit nit.

Masyadong naging busy si Jax nitong mga nakaraang araw kaya naman mag-isa siyang umalis. Noong una ay ayaw talaga siya nitong payagan pero hindi naglaon ay pumayag din ang binata.

Pagkabitaw na pagkabitaw naman niya sa bagahe niya ay kaagad siyang niyakap ng step mother ni Jax.

"Welcome back ija. Kamusta ang flight mo? Napagod ka ba?" Nakangiting tanong nito sa kanya kaya naman kaagad siyang ngumiti sa ginang at sumagot.

"Maayos naman po. Medyo nagkaroon lang ng delay pero okay naman po." Aniya at naglakad patungo sa sala pero napatigil siya sa nakita.

Kaagad na nawala siya sa mood. Gusto niyang umirap pero pinigilan niya ang sarili. Ano na naman ba kasi ang ginagawa ng babaeng ito rito? Talaga bang hindi nito titigilan ang nobyo niya?

"Ija, pasensya ka na. Simula noong umalis ka ay palagi iyang nandito at ayaw talagang magpapigil. Ilang araw na ring hindi umuuwi si Daemon sa bahay dahil ni Lovely. Mabuti pa ay tawagan mo si Daemon para sabihin na nandito ka na para naman umuwi na iyon dito." Agad na sambit naman ng ginang kaya naman tumango na lamang siya.

Si Lovely naman ay masama ang tingin sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Napaka-kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.

Siguro kung may pakapalan ng mukha na talent, baka kasama na ito sa Guinness World Records.

"Albert, dalhin mo ang mga gamit ni Snow sa kwarto nila ni Daemon." Utos ng ginang at kaagad naman na sumunod si Albert.

Humarap naman siya sa step mother ni Jax at nagpaalam.

"Magpapahinga lang po ako ng kaunti sa itaas." Aniya at nakangiti naman siyang hinayaan ng ginang bago ito tumalikod at nagtungo sa kusina.

"Well, well, well. Look who's back?" Napalingon siya kay Lovely ng bigla itong umimik.

She's not feeling well this past few days at palagi siyang naiirita. Talagang tatamaan ang babaeng ito sa kanya kapag hindi ito tumigil sa kakirihan nito.

"Yeah, look who's here. Ah!" She fake a gasp then looked at Lovely with a surprised face.

"The girl who's after Jax even though he pushes her away. Pity." Mapangasar na sambit niya pero nginisian lang siya ni Lovely.

"And here's the girl who's Daemon's apple of the eye at the moment. Masyado ka naman atang nagiging kampante. Bakit? Sinabi ba ni Daemon sayo na mahal ka niya?" Mapanguyam na tanong nito sa kanya at natigilan siya.

Jax never mentioned those three words at maging siya ay hindi iyon napansin. Nakalimutan niya ang bagay na iyon.

Masyado siyang nagfocus sa mga masasayang bagay na ginagawa nila ni Jax at sa kasiyahan na ngangayon niya lamang ulit naramdaman.

"Ohh. Cat got your tongue? Pang kama ka lang ni Daemon. Sakin pa rin siya babagsak. Ako pa rin ang pakakasalan niya. Magsasawa rin siya sayo." Anito bago siya inirapan at dinaanan.

Pabagsak na nahiga si Snow sa kama. Para siyang nanghina dahil sa mga sinabi ni Lovely sa kaniya.

Umiikot pa rin sa isipan niya ang mga sinabi ni Lovely and she's scared. She's scared of the possibilities that might happen.

Hindi niya masyadong napag-isipan ang ganitong pangyayari. No, scratch that. Hindi niya ito naisip kahit minsan. Never did this thought crossed her mind.

Dangerous 1: Daemon Smith [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon