Chapter 7

36.8K 812 5
                                    

Daemon felt contented when they arrived at the other side of the island. Finally, some peace and quiet for the both of them, and also, some time alone for themselves.

Kalalapag lang ni Daemon ng mga gamit ng dalaga sa loob ng cabin and its already 6:30 in the morning. Kasisikat lamang ng araw at tumatagos ang sikat nito sa mga bintana ng cabin.

Inabot sila ng isang oras sa byahe dahil binagalan niya talaga ang pagpapatakbo para hindi mahirapan si Snow dahil sa malubak na daan.

Kung tutuusin ay kaya niyang makarating dito sa loob lamang ng kalahating oras. Pero dahil kasama niya si Snow ay maingat siyang nagmaneho kanina.

Lumabas siya ng cabin at doon ay nakita niya ang dalaga na nakatingin sa dagat. Nakatalikod ito sa kaniya habang nakatingin sa kulay bughaw na tubig ng dagat.

Kakasikat lamang ng araw kaya naman hindi pa ito masakit sa balat. Tamang-tama lamang ito para naman makapagikot-ikot sila dito sa isla.

He can see his girlfriend's hair swaying with the wind and she looks breathtakingly beautiful as he look at her.

Parang nakikipaglaro sa hangin ang buhok ng dalaga dahil sa malamyos nitong paggalaw sa tuwing umiihip ang hangin.

This is indeed the first time that he felt this way. Habang tumatagal silang nagsasama, lalo siyang nahuhumaling sa dalaga sa hindi mapaliwanag na dahilan.

And he's not even rendering his heart from falling in love with the woman in front of him.

He knows that what he's doing is dangerous for his heart and he's taking a risk without any second thoughts or something.

Napangiti na lamang si Daemon ng dahil sa mga naiisip niya. Naglakad siya patungo sa dalaga at inakbayan ito.

"Beautiful." He said at alam niyang nagtatakang tiningnan siya ng dalaga. He looked at her and spoke.

"Anong gusto mong gawin?" He asked her.

Pero ang magaling niyang girlfriend ay ibinalik lang sa kanya ang tanong niya. "Ikaw ba?"

Napaisip naman siya at napangisi na lang siya ng may bigla siyang maisip.

He kept on having naughty thoughts after they first did it and he can't stop himself from fantasizing the woman beside him.

He wants her. He definitely wants her more than anything.

"Oh baby, trust me. Mapapagod ka sa gusto kong gawin at hindi ka na makakalakad. Kaya naman I suggest na ikaw na ang magdesisyon sa kung ano ang gagawin natin habang nandito tayo sa isla." Nakangising sabi niya sa dalaga at nakita niya kung paano mamula ang pisnge at ang tenga nito.

Beautiful.

"A-Ano, mag ano na lang tayo. Ma-Maligo?" Natawa siya sa reaksyon ng dalaga at pabiro naman siya nitong hinampas sa braso.

"Pinagtritripan mo ako!" Parang batang reklamo nito.

Pinisil niya naman ang tungki ng ilong nito habang tumatawa.

"Gusto mo turuan kita mag surf?" Daemon asked at nakangiti namang tumango sa kanya ang dalaga.

"Talaga? Tuturuan mo ako?" Tanong nito sa kanya kaya naman napangiti siya.

"Of course. I'd teach you in a heartbeat baby. All that you need to do is to ask." Aniya at lalo namang namula ang dalagang katabi niya.

She looked really beautiful while blushing. Bagay na bagay kay Snow ang pamumula ng pisnge nito and God knows how beautiful she looks like in Daemon's eyes.

Dangerous 1: Daemon Smith [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon