Chapter 17

28.9K 690 19
                                    

Nagising si Snow ng dahil sa maingay na pagtunog ng cell phone niya. She grunted as she reached for her phone.

Sino ba naman kasi ang tumatawag sa kaniya ng ganito kaaga?

She's still sleepy kaya naman hindi na niya tiningnan kung sino ba ang tumatawag at sinagot iyon.

"Hello." Her voice was hoarse since she just woke up and she doesn't care at all.

"Babe." Napamulat si Snow ng dahil sa boses ng nagsalita at nang marinig niya ang endearment na iyon.

Only one person calls her babe and she knew exactly who that person is. The owner of that familiar voice.

Naupo siya sa kama bago tumikhim at umimik.

"What do you want Nick? At saan mo nakuha ang number ko?" Tanong niya rito at narinig niya ang pagbuntong hininga nito bago sumagot.

"Gusto lang sana kitang makausap." Panimula nito.

"Nalaman ko yung dati mong number, yung previous dito pero noong hindi na kita ma-contact alam ko na nagbago ka ng number kaya naman ginawa ko lahat para malaman iyon. Just hear me out. Just talk to me." Anito kaya naman gusto niyang tumawa pero hindi niya ginawa.

Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito na tawagan siya matapos ng ginawa niyong panloloko sa kaniya.

Sa halip na kausapin niya ito ng matino ay malamig ang boses na nagsalita siya.

"I don't have time to talk to you Nick. Wag ka na ulit tatawag at huwag mo na akong istorbohin." Aniya at pinatayan na ng tawag ang ex-fiance niya.

Ang kapal din naman ng mukha ng lalaking iyon para tawagan siya at talagang inalam pa nito ang number niya.

Inilapag niya ang phone niya sa kama at tumayo bago dumeretso sa banyo. Maghihilamos na siya tutal naman ay nawala ang antok niya ng dahil sa gulat na tumawag ang ex-fiance niya sa kanya.

Marahas na bumuga ng hangin si Snow ng mahiga siyang muli sa kama.

Katatapos lamang niyang mag-agahan kasama ang step mother ni Jax at mabuti na lamang talaga at wala na si Lovely dito sa bahay ng mga magulang ni Jax.

Inis na inis na siya sa babaeng iyon dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanya at sa mga tingin na ibinibigay nito sa boyfriend niya.

Though, truth be told. Hindi niya masagot ang sinabi nito dahil hindi naman talaga sinabi ni Jax sa kanya na mahal siya ng binata.

She's scared yes, but gaya nga ng sabi pinsan niya, kahit lason pa ang pag-ibig iinumin pa rin niya iyon.

Masyado nang malalim ang nararamdaman niya para kay Jax at kaya niyang isugal ang lahat para lang makasama ang binata. Kahit pa nasasaktan na nga siya sa mga naririnig niya sa bwisit na Lovely na iyon.

Snow closed her eyes when she started feeling dizzy again. Ilang araw na siyang palaging nakakaramdam ng pagkahilo at minsan ay nagsusuka pa siya.

She wanted to go to the hospital para magpa-check up pero nawawala lagi sa isip niya na banggitin ito kay Jax. Kapag kaharap na kasi niya ang binata ay nawawala na sa isipan niya ang mga bagay bagay dahil natutuon ang atensyon niya rito.

Jax had been busy this past few days at ayaw niyang dumagdag pa sa isipin ng binata kaya naman napagdesisyunan niya na saka na siya pupunta sa hospital, kapag nakauwi na lamang sila at nakabalik na sa PIlipinas.

They'll be going back to the Philippines in a week at hindi naman siguro makakasama sa kanya ang isang linggong paghihintay.

Besides, she only became stressed when she was really worried for her friend Bea. Pero ngayon na medyo maayos na naman ang lagay nito, thanks to her boyfriend, ay nakahinga na siya ng maluwag.

Dangerous 1: Daemon Smith [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon