Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Prologue

430K 5.5K 79
                                    

First Upload: June 11, 2014

Today, July 21, 2015, BRD reached 100K reads! Thank you, supporters!

Today, August 23, 2015, BRD reaced 200K reads! Maraming salamat sa mga sumusuporta sa story na ito!

Today, July 18, 2016, BRD reached 700K reads! Thank you for all your support!

Today, November 27, 2016, BRD reached 1M reads! Thank you for all your support!

For the first time,  this November 30, 2016, BRB is #1 in ChickLit Hot List! Thank you, guys!  :)

Today, June 25, 2017, BRD reached 2M reads! Yay! Thank you for your support!

Copyright (c) Gretisbored. All rights reserved.

********************************

"Miss Maglipon," narinig ni Cheng na tawag ng kanilang prinsipal. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay ito. May problema ba?

"Please come to my office," anang matandang dalaga. Seryoso ang mukha. Kinabahan tuloy ang dalagita. Palagi kasi kapag pinapatawag ang estudyante sa principal's office merong problema. Ano kaya ang sa kanya? Wala naman siyang natatandaang ginawang masama.

Sumunod siya sa principal. Habang naglalakad, pilit pa rin niyang inaalala ang mga nagdaang araw. May nagawa kaya siyang kasalanan na hindi siya aware? Ano naman kaya 'yon? Kahit wala siyang natatandaang kasalanan, hindi niya pa rin maiwasang huwag kabahan.

Pinaupo muna siya ng prinsipal sa silya na nasa harapan ng mesa nito bago naupo rin. May kinuha itong papel. Tsaka hinarap siya.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I think you know why I called for this meeting," patuloy pa ng matanda habang inaayos ang mga folders sa mesa. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ni Cheng. Ano'ng ibig nitong sabihin? Kanina pa nga siya naguguluhan e.

"We've already computed your grades in all subject areas and I'm sorry to tell you that you didn't make it to the top three. Pang-apat ka lang sa graduating class of 2003."

Parang bombang sumabog sa kanyang pandinig ang balita ng prinsipal. Paanong nangyari 'yon e siya ang leading sa past three grading periods?

"A-Are you s-sure, Ma'am?" hindi makapaniwala niyang tanong. Nanginginig pa sa kaba ang kanyang boses.

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo kung hindi ako sigurado?" pasinghal na sagot ng prinsipal. Bumagsik lalo ang mukha nito. Natakot tuloy si Cheng. Gusto niya sanang tingnan ang hawak-hawak nitong papel kung saan nakalagay ang average grades ng mga honor students pero nang sabihin niya 'yon sa punong-guro, bigla siya nitong pinandilatan. Lalo siyang natakot.

Hindi alam ng dalagita kung paano siya nakalabas ng silid na 'yon. Nanginginig ang buo niyang kalamnan. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng mga guro lalo na ni Ms. Godinez, ang kanilang prinsipal. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito.

Nang linggo ding iyon nalaman niya ang dahilan. Bumaba pala ang grades niya sa Social Studies kung saan guro nila si Ms. Godinez. Mula sa grado na 92 ay bumaba ito ng 88 nang fourth grading period kung kaya naungusan siya ng tatlong katunggali dahil 97 ang nakuha ng mga ito sa naturang subject. Ang hirap talagang paniwalaan dahil pakiramdam niya ay nasagutan naman niya nang tama ang lahat ng mga tanong sa final exam. Isa pa, matataas naman ang kanyang quizzes at project. Saan siya bumaba?

Kinaumagahan, bumalik siya ulit sa tanggapan ng punong-guro para magtanong sa naging dahilan ng pagbaba ng grado niya sa Social Studies subalit sa halip na sagutin ay pinagalitan pa siya nito. Inakusahan siyang walang respeto sa guro. Ano daw ba ang karapatan niyang kwestyunin ang grado na binigay sa kanya?

Natakot sa naging reaksyon ni Ms. Godinez ang dalagita kung kaya hindi na niya pinagpatuloy ang pang-uusisa. Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay hindi niya matanggap ang naging resulta ng pakikipagtunggali kina Ana, Lyka, at Michael. Gayunpaman, wala ring nagawa pa ang dalagita kundi'y sikaping tanggapin ang naging kapalaran.

Sa ngayon, palalampasin ko ito. Pero humanda ka, Miss. Godinez. May arawka rin!


Beyond Reasonable Doubt (SPG - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon