Nangako na si Cheng sa sarili na pag lumabas siya ng opisina, hindi na siya magdadala ng trabaho. Pero hindi siya mapakali sa latest case na hawak niya. Mukhang mapapalaban siya dito ng husto. Natitiyak niyang merong legal department ang kompanyang 'yon. At kapag gano'n kalaking business, hindi lang basta-basta ang mga abogado nila. For sure, may mga koneksyon ang mga 'yon sa mga malalaking law firm sa bansa.
Hindi pa siya nangangalahati sa binabasang background ng J.E. Telecommunications Company, impressed na siya. Meron pala itong humble beginning. Mula sa isang pipitsugin at 'di kilalang kompanya, nagawa nitong malampasan ang ibang key players sa industry at maging top five sa loob lamang ng sampung taon.
Nilapit niya sa bibig ang straw ng kanyang frapuccino. Tumunog. Hangin na lang pala ang nasipsip niya. Ang bilis naman maubos. Inalog-alog pa niya sana. Pero wala na talaga. Tamad naman siyang tumayo at umorder ulit dahil mahaba na ang pila sa counter. Binaba na lang niya ito at pinagpatuloy ang pagbasa.
"Ma'am, here's your oder po," at nilapag ng Starbucks' crew ang isang bagong order na frapuccino. Napakunot-noo ang dalaga. Hindi naman siya umorder a.
"Nagkamali yata kayo, Miss. I didn't order anything," sabi niya dito.
"Ma'am pinapabigay po ni, Sir. Ayun po siya o," at tinuro ang isang lalaking nakaupo sa 'di kalayuan. Kumaway ito sa kanya.
Parang namumukhaan niya ito a. Tama! Ito ang lalaking bumuntot-buntot sa kanya mula Batangas hanggang Alabang. Oozing with confidence, ha.
"Hindi ko matatanggap 'yan, Miss. I don't know him," at binalik ko sa tray ang drinks. At tinapunan ng masamang tingin ang lalaki.
"Ma'am, please kunin n'yo po. Nabigyan na po kasi ako ng tip. Babawiin daw niya ang tip niya kung tatanggi kayo. I need the money badly. Pang-tuition po," pagmamakaawa ng dalagita.
Tinitigan ko siya. Aba, kokonsensyahin pa ko.
"Ano naman ang pakialam ko?" pagtataray niya.
Nakita ni Cheng na nabigla sa sagot niya ang waitress. Nanlumo ito. At bahag ang buntot na kinuha na lang ang sinoli niyang inumin. At bago ito tumalikod ay nakita ng dalaga na nagilid pa ang mga luha nito.
Bwisit na babaeng to. Pinapa-guilty pa ako.
"Akin na nga 'yan!" at inagaw niya ang inumin sa kamay nito.
Lumiwanag bigla ang mukha ng dalagita at nagpasalamat sa kanya nang paulit-ulit. Sinenyasan niya itong umalis na. Baka magbago pa ang kanyang isip.
Nang sumisipsip na siya sa straw ng bagong inumin, nahagip ng tingin niya ang nakangiting lalaki. Tinaas pa nito ang mug sa direksyon niya bago uminom.
Tiningnan lang niya ito ng masama. Nasa loob ng Starbucks, naka-sunglasses? Ano ang drama nito?
Nahagip din ng tingin ng dalaga na napalingon din sa direksyon niya ang kasama nito. Guwapo din ito. Teka, anong din? Huwag niyang sabihing napopogihan siya sa pretensyosong nilalang na 'yon? Pinagalitan niya ang sarili.
Aha! Ba't 'di niya agad naisip 'yon? Tama. Baka magdyowa ang dalawang 'yon at dito pa sa Starbucks nagde-date. Kaya siguro naka-sunglasses. Para walang makakakilala sa kanya. Bading naman pala, magpapa-impress pa. Sa isang banda, pwede rin. Nagpapa-impress. Para may gawing panakip-butas sa relasyon nila ng totoong dyowa. Baka ala-Vincent lang ng My Husband's Lover ang drama nito.
Pinilig-pilig niya ang ulo. Ano ba'ng pinag-iisip niya. Dapat siyang mag-concetrate dito sa binabasa. Ang mga walang kuwentang nilalang ay 'di dapat pinag-aaksayahan ng panahon.
![](https://img.wattpad.com/cover/17654980-288-k154819.jpg)
BINABASA MO ANG
Beyond Reasonable Doubt (SPG - COMPLETED)
أدب نسائيCheng is a very serious lawyer who crosses paths with an easy-going Fabio due to a case she's handling. She must win the case against the JE Telecommunications even if she is falling for Fabio, its CEO. ...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte