Nanalo na naman si Cheng sa kasong hinawakan laban sa isang malaking korporasyon kaya naging laman na naman siya ng balita. Dahil doon dumami na naman ang gustong kumuha ng kanyang serbisyo. Pero hindi siya tumatanggap ng kahit sino na lang. Mahalaga sa kanya na mayroong dignidad at katapatan ang kanyang kliyente. Kaya kung tingin niya deserved ng tao na mapatalsik sa trabaho dahil sa kawalanghiyaan nito ay 'di na niya tinatanggap kahit na handa pa itong magbayad kahit magkano. Dahil doon inaya siya ng dalawang matalik na kaibigan na mag-celebrate. This time sa ATC siya dinala ng mga ito.
"Hey, who are you looking for?" tanong ni Debbie.
Medyo nagulat pa sa tanong ng kaibigan si Cheng. "Wala. Tumitingin-tingin lang ako sa paligid," sagot niya.
Napangiti naman nang makahulugan si Cara. Kumindat pa kay Debbie. Naghagikhikan ang dalawang babae. Pinandilatan sila ni Cheng.
"Ano na naman 'yan?" pagtataray niya sa salawa.
"Kunwari ka pa kasi, e. Hinahanap-hanap mo naman," panunudyo ni Cara.
"I don't know what you're talking about," sabi naman niya. Nagmaang-maangan. Pero alam naman niya kung ano at sino ang tinutukoy ng dalawa. Walang iba kundi si Fabio at ang pagbuntut-buntot nito sa kanya.
"Oopps, speaking of the devil," sabi ni Debbie at tumingin sa bandang pintuan ng restaurant. Napalingon si Cheng sa tinitingnan ni Debbie, rason para tumawa na naman ang dalawa sa kanya.
"You see, may hinihintay ka ngang sumulpot," si Cara ulit. Ang lakas nang tawa nito. Gusto na niyang buhusan ng drinks sa ulo.
Ayaw man niyang aminin na hinahanap-hanap niya ang presence ni Fabio, parang gano'n na nga ang nararamdaman niya. Mga tatlong araw na ring 'di niya ito nakikita. Nakakapanibago rin. Parang nasanay na siyang bumubuntot-buntot ito sa kanya at bigla na lang lumilitaw.
"Wala a! Sino naman ang hihintayin ko?" pagde-deny pa ni Cheng.
"Naku, 'pag lumalaki ang butas ng ilong mo siguradong nagsisinungaling ka," panunudyo naman ni Cara.
Hinampas niya ito sa braso.
"Aray! Naging bayolente ka na, Attoryney, ha?"
"Hey, look! Nandito siya!" si Debbie uli. Mukhang excited. Hindi na niya ito pinansin. Alam naman niyang niloloko lang siya nito, e.
"Oh, who's that girl?" si Cara naman. Naku-curious na siyang lingunin kung totoo nga ang pinagsasabi ng dalawa pero pinigilan niya ang sarili. For sure, pinagloloko lang siya ng dalawa.
"Hi, ladies. Kumusta?" anang pamilyar na tinig. Napatingala tuloy si Cheng. At hayun nga si Fabio, nakangiti sa kanilang tatlo habang ang magandang babaeng nakaabrasyete sa kanya ay walang kaemo-emosyon sa mukha. Pamilyar din ito sa kanya. Tama! Ito ang kasama ni Fabio sa gym. Girlfriend kaya niya ito? Nakaramdam siya ng pagkainis sa babae. Ang arte! Puro kulorete lang naman ang mukha.
"Nice to see you again, Fabio," magiliw na sagot ng dalawa niyang kaibigan.
"Oh, by the way, this is my friend, Vera," pakilala ni Fabio sa kanila. Tsaka, isa-isa silang pinakilala sa babae.
"Girlfriend," pagtatama ng babae. Sinimangutan pa si Fabio. Nakipagkamay naman ito sa kanila. Pero nang dumating sa kanya, bahagya lang nagdaiti ang kanilang mga palad. Napansin din ng dalaga na saglit siyang tiningnan nito mula ulo hanggang paa. Ewan kung imahinasyon lang niya, pero parang umismid ito sa kanya pagkatapos siyang kilatisin.
Hindi pinatulan ni Fabio ang kasama. Ngumiti lang tsaka tumigin kay Cheng. Nakita na naman ng dalaga ang pilyong kislap sa mga mata nito. Naalala niya ang tagpo sa elevator at medyo nag-init ang kanyang mukha. Feeling niya pinamulahan siya. Nagpakatanga kasi siya nang mga oras na 'yon. Naalala din kaya 'yon ng kumag kaya siya nakangisi sa kanya nang may kapilyuhan sa mga mata?
BINABASA MO ANG
Beyond Reasonable Doubt (SPG - COMPLETED)
ChickLitCheng is a very serious lawyer who crosses paths with an easy-going Fabio due to a case she's handling. She must win the case against the JE Telecommunications even if she is falling for Fabio, its CEO. ...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte