Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter Seven - Selfie

159K 2.5K 82
                                    

      

Ilang gabi nang 'di makatulog si Cheng dahil sa nangyari sa elevator. Nagngingitngit pa rin siya na naisahan siya ng damuhong 'yon. At ang ikinaiinis niya ay 'yong naging reaksyon niya sa halik. Muntik nang bumigay ang kanyang mga tuhod. Napapikit pa siya at napasabunot sa buhok ng walanghiya. Imbes na paghahampasin ito o pagtatadyakan, nagpaubaya siya. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa demonyong 'yon na palagay niya'y nagdiriwang na dahil nabatid nitong may pagnanasa din siya dito? Shit! Ang tanga-tanga niya. Teka, did I say may pagnanasa din ako sa damuhong 'yon? Pinilig-pilig niya ang ulo. Hindi niya dapat isipin 'yon. Hindi siya attracted kay Fabio. Inulit-ulit niya ito sa isipan.

Napabangon ang dalaga at nagtungo sa kusina. Uminom siya ng isang basong gatas. Tsaka nagdala na rin siya ng isang pitsel na tubig sa kuwarto. Paglapag niya ng pitsel sa bedside table, napansin niya agad ang kumikislap na cell phone. Meron siyang isang missed call at isang unread message sa di kilalang number. Napakunot-noo si Cheng nang mabasa ang mensahe.

"How's my girl?" ang sabi ng text message. May tatlong heart pa ito sa dulo.

Feeling ni Cheng random text lang ito. Wala naman siyang pinagbibigyan ng cell phone number unless family member o close friends. Never niyang binibigay ito sa kanyang mga kliyente o maging sa mga acquaintance. Telepono ng opisina ang ginagawa niyang contact number. Si Bella lang among her staff ang may access sa number niya.

Mahihiga na uli sana ang dalaga nang mag-vibrate na naman ang kanyang cell phone. May tumatawag. Nang tingnan niya, the same number pa rin. Sino kaya ang bwisit na to at iniistorbo ako sa disoras ng gabi? Hinayaan na lang 'yon ni Cheng. Sigurado siyang naghahanap lang 'yon ng textmate. Wala siyang panahon sa mga gano'n. Kung babalewalain niya, siguradong hindi na ito tatawag ulit. Dahil hindi niya sinagot ang tawag, maya-maya'y nag-beep ang cell phone niya. May text message siya ulit.

"Ang aga mo namang matulog. It's just 11:30. Kwentuhan muna tayo." At may smiley face pa ito sa dulo. Uminit ang ulo ni Cheng. Sino kaya to? May pinagbigyan kaya si Bella ng number niya? Makikita ng baklang 'yon bukas.

Tinext niya agad si Bella. "Did you give my number to someone?" deretsahan niyang tanong.

"No, attorney," sagot agad ng sekretarya.

Kung hindi si Bella, sino ang nagbigay? Napa-ugh siya nang maalala ang ina. Baka isa na naman to sa mga nirereto ng kanyang mama. Kailan kaya siya titigilan nun sa karereto sa mga anak ng mga kaibigan? Nakakahiya na masyado!

Dahil hindi na makatulog, dinampot niya ang iPad sa bedside table at naghanap ng mababasa sa kanyang online library. Pampaantok lang. Nag-click siya ng random book. Ang Be Good to Yourself ni Orison Swett Marden ang napindot ng kanyang cursor. Pagbasa niya ng first page nito, nagsisi siya agad kung bakit 'yon pa ang napili dahil imbes na antukin siya lalong nagising ang kanyang diwa. Isa ito sa mga paborito niyang personal development books. Sobra na isang siglo simula nang ilathala ito pero patuloy pa ring binabasa ng mga tao at ginagawang inspirasyon ng mga contemporary writers sa personal development.

Katatapos lang ni Cheng sa chapter one ng libro nang may tumawag na naman. Gano'ng numero pa rin. Naintriga na siya. Sino kaya sa mga nirereto ng mama niya ang persistent caller na to? Natutukso na ang dalagang sagutin ito. Pero kinontrol niya ang kyuryusidad. Dahil hindi na naman siya sinagot, nagtext na naman.

"I know you're awake. I can see your lights on," anang mensahe.

Pagkabasa, kinilabutan si Cheng. Hinablot niya ang naka-sampay na roba sa headboard ng kama at sinuot. Pagkatapos, lumapit siya sa may bintana. Sinilip niya sa kurtina kung may tao sa labas. Wala siyang nakita. Pero may naka-park na pulang Ferrari sa 'di kalayuan ng building niya. Galing kaya sa sasakyang 'yon ang unknown caller? Naisip niya si Fabio. Ito na naman kaya ang nang-iistorbo sa kanya? Awtomatikong, bumilis ang tibok ng kanyang puso. At nakaramdam siya ng excitement. Pero kaagad ding pinagalitan ang sarili. I should not feel this way!

Beyond Reasonable Doubt (SPG - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon