Entry #28: TSBIA

723 26 0
                                    

Brix's POV







Tatapusin ko na ang nanamagitan sa amin ni Pat. Hindi ko na kaya, lalong-lalo na, na alam ko sa sarili ko na mahal parin ako ni A. Hindi ko na sasayangin ito. Tutal wala namang kwenta ang relasyon nato, because I don't love her, napilitan lang ako dahil sa pang ba-blackmail niya sa akin.

Tinext ko na siya kung saan kami magkikita. Actually niloko ko siya ang sabi ko na mag dedate kami ngayon, dahil alam ko naman na hindi yun pupunta kapag sinabi ko sa kanya ang totoo kung rason kung bakit ako makikipag-kita sa kanya.

Alam ko ang ugali ni Patricia, lahat ng galaw at kilos niya alam na alam ko. Alam kung ayaw nun makipag-hiwalay sa akin dahil hindi pa siya tapos sa paghihigante niya. Matagal ko ng alam na ginagamit niya lang ako, hindi ko nakikita ang pagmamahal niya sa akin dahil isa siyang mangagamit.

Nakita ko ang babaeng paparating sa akin. And that's her. She's smiling at me and i smile her back. Ngiting-ngiti siyang lumapit sa akin. Sinalubong ko siya ng halik sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa ko dahil hindi ko naman yun ginagawa tuwing magkikita kami. She blushed.

" Bago yun ah. " sabi niya.

" Yeah, first date kasi naten. " i said. " Have a set. " pinaghila ko siya ng upuan.

" Thanks. "

Tinawag ko ang waiter para makapag-order na kami. Let's just say na gagawin kung special ang araw na ito. Hindi dahil sa, makikipag-hiwalay ako sa kanya, kundi eto na yung last na Makakasama niya ako.

Matapos naming mag-order kumain na kami. Tahimik lang kaming kumakain, naninibago lang ako dahil kapag sabay ko siyang kumakain siya etong maingay at inaaway ako palagi. Pero ngayon tahimik lang siya at pasulyap -sulyap na tumitingin sa akin. Nag focus nalang ako sa pagkain ko ng hindi man lang siya tinitignan.

" Magandang lugar tong napili mo ha" sabi niya ng matapos kaming kumain. nilibot niya ang mga mata niya dito sa loob ng restaurant.

" Ikaw pa lang ang dinala ko di to. " sabi ko. Nakita ko na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

" R-really? k-kahit si A di mo pa nadadala dito? " she asked. Namula siya bigla. I nodded.

Yes, siya pa ang dinala ko dito. Kahit si A hindi ko nadala dito dahil, ang plano ko sana noon na kapag mag wa-1year kami dito ko siya dadalhin. But those plans are broken. So, si Patricia nalang ang dinala ko dito. Gusto kung maranasan niya ang ganitong klaseng lugar. This place is so peaceful.

" You know what Brix, I'm so happy today. " pagsaaalita niya. Tinignan ko lang siya na sinabing sabihin mo ang gusto mong sabihin.

" First time mo akong dalhin dito sa lugar na to. All my life, ngayon ko lang naranasan ang ganitong date. Nakakatawa man pero totoo. Since i was a kindergarten i don't have feiends, that's why i always bullied in school. " Pinigilan niya ang sarili niyang umiyak. " Lagi akong binubully dahil wala akong daddy. Walang gustong makipag-kaibigan sa akin dahil hindi daw ako deserve na kaibiganin at ituring na classmates dahil wala akong daddy. Mga bata nga naman noon. " she's smiled bitterly.

" Lagi akong mag-isa noon. Nasanay na rin ako sa pang-bubully nila dahil naisip ko na totoo naman eh. Ibang-iba ako sa kanila kaya hindi dapat ako lumalapit sa kanila. Nang dumating ang anak ng may-ari ng school, mas lalong naging misirable ang buhay ko. And that's A, that's why i hate her so much. "Tumingin siya sa akin. I was looked at her too.

" But, when i meet a Guy. Mas lalong hindi ako nag-papaapekto sa pang-bubully ni A dahil alam ko na may kaibigan ako at may magtatanggol sa akin."

" Sinong lalaki? " i asked.

She smile. " Shean Xhyfer Del Feirro. "

" And that guy is A's bestfriend right? " i said. She nodded.

" Naging maganda ang pagkakaibigan namin ni Shane, his so nice and caring, kaya ko siya nagustuhan. Naging malapit kami sa isa't-isa. Naalala ko pa noon nung binigyan niya ako ng regalo, i think its a necklace or bracelate, basta yun hindi ko na kasi maalala dahil matagal na iyon. I was happy that time. Masayang-masaya ako nun kasi hindi ko inexpect na bibigyan niya ako ng regalo. But, those happiness was being ruined. Lumayo ang loob sa akin ni Shane dahil kay A. Hindi siya nagpakita sa akin hanggang sa makatapos ako ng elementary. Nalaman ko nalang na pumunta pala siya sa ibang bansa. Masakit na iniwan ka na naman ng taong importante sayo. Nang dahil dun malaki ang galit ko kay A, dahil kinuha na niya ang lahat sa akin, pati kaibigan ko pinagdamot niya. Kaya gusto ko rin siyang agawan tulad ng ginawa niya. " she said na may halong galit sa boses niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, maaawa o magagalit. Kaya niya ba sinabi sa akin noon na hiwalayan ko si A, dahil eto pala ang plano niya. Mas tama lang siguro na hiwalayan ko siya. Hindi parin talaga siya nagbabago.

" Kaya ba ginamit mo ako, para maghigante sa kanya. " malamig kung sabi. Tinignan ko siya ng seryoso. She was shocked.

" W-what? No! " she denied.

" O'cmon Pat, don't fool me. I know, matagal ko ng alam na ginagamit mo lang ako para maka-paghinganti kay A. " galit kung sabi.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Para siyang maiiyak. Well i don't care about her feelings. If she wants to cry, then cry. Shs deserves it.

" Oo, nung una. Pero Brix believe me hindi na kita ginamit kasi.. Kasi mahal kita. " natataranta niyang paliwanag.

" Mahal? ni minsan i didn't feel your love for me. Dahil ang totoo ginamit mo lang ako para saktan si A, saktan ang mahal ko! " i shouted her, pagod na ako sa larong to.

Wala akong paki kung maraming tao ditong nakatingin sa amin. Galit na galit ako sa kanya. Pinagmukha niya akong tanga at sunud-sunuran niya.

" You know what Pat, let's end this. Let's end this Damn relationship!" i said.

" W-WHAT! " natataranta niyang sagot. Tumulo ang mga luha niya, ngayon ko lang siyang nakitang umiiyak ng ganito. Dahil ang alam ko,isang Patricia na hindi umiiyak, isang patricia na lumalaban.

Lumapit siya sa akin na nagmamaka-awa.

" Please, don't do this to me. Please Brix, please. I'm begging you. " she cried.

" Tama lang tong ginawa ko. Nagkabalikan na kami ni A. Kaya wag mo na kaming guluhin pa! " kinuha ko ang kamay niya galing sa pagkakahawak ng polo ko.

" Ha! So it's her again. " napahawak siya sa noo niya. " Ano bang nakita niyo sa babaeng yun ha! Ginayuma ba kayo?! Brix, malandi yung babaeng yun pinagpalit ka nga oh. May iba na siya! " she said while crying.

" Desperada ka lang kaya mo yan sinasabi! Alam mo na dapat yan sa sarili mo eh, kung bakit hanggang ngayon mahal ko parin si A. Don't you dare questioning me kung ano ang nakita ko kay A, dahil alam mo yan Pat. Alam mo sa sarili mo na kahit kailan hindi kita mahal at malaki ang pagkaka-iba niyo ni A, cause your worthless!" galit kung tugon.

" Hindi mo ba talaga ako minahal kahit.. kahit konti? Please tell me! " humihikbi niyang sabi.

" Alam mo na yan sa sarili mo, simula pa nung una. Itigil na naten to Pat, pagod na ako. Hindi ka ba napapagod sa panggagamit mo sa akin. Kasi ako, pagod na pagod na ako sa larong to!. " napahilamos ako sa mukha ko. " Eto na ang huli nateng pag-uusap. Goodbye Pat. And I'm sorry. " sabi ko at kinuha ang kamay niya na nakahawak sa akin.




Humihikbi siya nung sinabi ko nun. Sana totoo yung mga iyak niya. Dyan siya magaling eh, jan siya magaling sa pag-arte, para mapaniwala na naman niya ang lahat at mapa-ikot. Iniwan ko siyang umiiyak. Pumunta agad ako sa kotse at mabilis etong pinaharurot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko ilabas ang sama ng loob ko. Dapat sana noon ko pa eto ginawa para hindi na nagdusa si A. Naprotektahan ko sana siya kay Patricia.

I want to say sorry for A. Hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa kanya noong nakaraang araw. I want to hug her right now. Namimiss ko na siya.





To be continued....

Again Sorry for the wrong grammar and typos.

Leave a comment. Salamat sa nagbabasa. God Bless.

The Spoiled Brat In Academy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now