Entry#32: TSBIA

649 19 4
                                    

" Congrats po.  "

" Congrats Miss A"

Bawat makakasalubong ko madaming bumabati sa akin. Masaya ako dahil sa wakas hindi na nila ako pinag-chi tsismisan at masayang-masaya ako dahil bumalik na ang taong mahal ko at yung taong gusto kung bumalik noon.

I'm so blessed dahil si Brix lang ang nakakaintindi sa akin. Si Brix lang ang nagmamahal at nag-tiyat'yaga at mahaba ang pasensya kapag nagmaldita ako.  Sa lahat ng manliligaw ko siya lang ang tumagal sa akin.  Minsan gusto ko siyang tanungin kung ano ang nagustuhan niya sa akin.  Dahil lahat ng lalaking dumaan sa akin ay sinasabihan ako ng maldita, spoiled,  brat, malandi, mang-aagaw, whore at iba.  Lahat na daw ng katangi-an ng masasamang ugali ay nasa akin na lahat.  Ganon naba talaga ako kasama?  I mean oo,  Spoiled Brat at maldita ako, pero yung pagiging malandi?  Hindi ko gawain yun.  Dahil may tiwala ako sa sarili ko na maganda ako. 

Minsan talaga ang mga tao ay gumagawa ng paraan para may mai-pintas sayo.  Isa lang ang dahilan niyan INSECURE sila sayo. Yung mga ganyang tao hindi dapat yan pinapatulan eh,  dahil kung papatulan mo pa e magkakagulo lang.  Pero sadyang maldita ako eh,  kaya minsan pinapatulan ko. Nakakamiss kayang mang-away. 

~•~

Papunta akong canteen kung saan ang tambayan naming magbabarkada, na miss ko ang mga bruhang to eh.  At tsaka ipapaliwanag ko na rin sa kanila kung bakit kami nagkabalikan ni Brix.  Sasabay sana si Brix sa akin, dahil gusto niya na dalawa kaming haharap at magpapaliwanag sa mga kaibigan ko. Naintindihan ko naman siya, pero gusto ko na ako muna para hindi naman mabigla ang mga kaibigan ko, kahit alam na nila na kami na. Kilala ko ang mga yun,  marunong yung makipag-plastik sa iba.  Una ko sanang sasabihan si Xhyfer kaso nung pinuntahan ko siya sa classroom nila ay wala siya doon. Gusto ko na siya ang unang makakaalam dahil sa tinatagal ba naman naming mag-bestfriend. Maraming taon ang nasayang dahil sa pag-alis niya at wala ng nasasabihan ng sikreto, kaya gusto ko na siya ang unang makakaalam,  dahil importante siya sa akin at mahal na mahal ko siya. 

Sinabi ko kay Brix na magkikita kami mamaya, pag-uusapan namin kung kelan siya magpapakilala kina Daddy at Mommy.  Hindi ko naman siya pinilit masyado pang maaga para gawin yun.  Dahil gusto niyang maging legal kaya gusto niyang makilala ang mga magulang ko at hingin ang permiso nila.  Natutuwa ako kay Brix dahil disidido talaga siyang gawin yun kahit tinatakot ko pa siya na masungit ang mga magulang ko.  Pero ang sabi niya lang. "Napaamo ko nga ang pinakatatakutan dito sa school.  I'm sure magugustuhan ako nina tito at tita. " proud niyang sagot.  Well tignan nalang naten.

" Hi girls! " bati ko kaagad sa kanila. Sabay nag beso beso. 

" Hi best na miss kana talaga namin.  " napa pout si Cyrie.  Nagtawanan ang dalawa. 

" Aww,  kanina pa lang tayo nagkita miss niyo na agad ako? " sabi ko.  " Pero ako rin.  Miss ko na kayo.  "

" Tatayo ka nalang ba jan?  Walang balak umupo? Ganon? " sabi ni Varry. 

Tumawa nalang kaming apat at umupo na ako sa tabi nila.  Na miss ko talaga tong mga to.  Lalong-lalo na tong bungangera na si Varry at ang makulit na si Cyrie syempre si Nhala na seryoso/ maldita rin katulad ko. 

" Uy,  anong palabas yun kanina ha? Bakit di namin alam? " tanong ni Cyrie. 

" Gaga,  alam na naten. Ang hindi lang naten alam etong ipapaliwanag niya sa aten ngayon.  " sabat ni Varry.

" So,  anong plano mo? Plano niyo ni Brix? Paano si Patricia. Alam ba niya na kayo na? " seryosong tanong naman ni Nhala. 

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa diri-diretcho niyang tanong. Humugot muna ako ng maraming hangin at tinignan sila isa-isa.  Hinihintay nila ang sagot ko.  Alam ko na marami akong atraso ng mga to dahil sa hindi ko pagsabi sa kanila na kami na pala ni Brix. 

The Spoiled Brat In Academy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now