Entry# 34: TSBIA

615 20 0
                                    

~_~

NHALA'S POV






Iniisip ko kung tama ba ang ginawa ni A na balikan si Brix. Madaming nasasaktan dahil sa relasyon nilang dalawa. Mismo ako nasasaktan dahil, paano kung saktan ulit siya ni Brix? Masasaktan rin kaming mga kaibigan niya. Sa sitwasyon niya ngayon, mukhang buo na ang disisyon niya at wala ng makakapag-babago sa isip niya. Sa salitang maraming masasaktan, hindi lang si Patricia o kaming mga kaibigan niya, pati na rin ang matalik niyang kaibigan.

Si Xhyfer na sobrang nasaktan dahil sa nangyayari ngayon. Ang bestfriend niyang nandyan lagi at mahal siya ng higit sa pagkakaibigan ang tingin at nararamdaman. Ayoko namang kontrahin si A sa disisyon niya dahil kaibigan niya rin ako / kami. Pero bakit? Bakit ang manhid niya? Hindi niya ba talaga nararamdaman. O raramdaman niya naman talaga pero ayaw niya lang ipahalata dahil may mahal na siyang iba?. Ang unfair naman niya kung ganon siya sa kaibigan niya, sa bestfriend niya.

Habang naglalakad ako pagkatapos ng palabas na nangyari nung isang araw ay nakita ko si Xhyfer sa isang sulok, pinag-susuntok ang pader at halatang umiiyak. Kaya nilapitan ko eto. Hindi naman ako feeling close ah? Nilapitan ko siya dahil bestfriend to ni A, at naipakilala na eto ni A sa amin.

Flashback......

" Hey. " sabi ko.

Hindi niya ako nilingon. Ay suplado si Kuya Shean niyo. Djowk. May problema yung tao kaya ganyan yan, tsaka nung ipakilala eto ni A, sa amin mabait naman to eh.

" Ahm" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. " Nakita kasi kita dito kaya nilapitan na kita. " sabi ko.

Parang wala man lang narinig nakayuko lang eto at nakakapit sa bakal.

" Y-you must Shean, A's bestfriend. " kinakabahan kung sabi. " I'm Nhala siguro naman naaalala mo ako. Kaibigan rin ako ni A. "

Hindi parin niya ako nililingon. Ano ba naman yan, para akong tangang kumakausap ng hangin dito. Pero kasalanan ko rin naman ako yung lumapit sa kanya kaya dapat kung panindigan to. Patience Nhala, Patience, Chill.

" Bakit di ka nagpakita kay A, I'm sure hinahanap ka niya. " sabi ko pa.

Lumingon siya sa akin. Salamat naman at tinignan na ako, akala ko naman kumakausap na ako ng hangin. Tinignan niya ako ng parang sinasabing bakit ko ito sinasabi.

" Alam mo naman siguro ang tungkol sa bestfriend mo at sa Ex niya dati na naging boyfriend niya ngayon. " lumapit ako ng kaonti sa kanya.

At ayan na naman ang pagyuko niya.

" Sinagot ba niya?" pagsasalita neto.

" Mabuti naman at nagsalita na ang parang hangin kanina ay parang walang narinig. " tumawa ako ng mahina. Ngumiti lang eto. " Sinong tinutukoy mo?"

Pagmaang-maangan ko. Alam kung si A, iyon.

" Ang slow mo rin eh. " sabi neto ng napangiti.

" Harsh mo ah, Well yeah, sila na ulit. " sabi ko. Hindi siya umimik, nanatili lang siyang tahimik at nakatingin sa kawalan na para bang ang bigat-bigat ng pinagdada-anan niya ngayon.

" May problema ba?" i asked, and again para na naman akong tanga na kumakausap sa hangin. " You can tell me. "

" I can't tell you my problem, cause your just my schoolmate. At hindi kita kaibigan para pagsabihan ng mga problema ko. I can't trust anyone. I only trust my bestfriend." sa huling salita niya ay biglang humina.


" Oh really? Bakit hindi mo sabihin sa bestfriend mo ang problema mo ngayon kung siya lang naman pala ang gusto mong pagsabihan. Dude wag mong isarili. " sabi ko ng natatawa.

The Spoiled Brat In Academy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now