Entry#57:TSBIA

590 18 0
                                    

" Bakit ayaw sagutin nang lalaking yun.  " inis kung sabi. 

Kanina ko pa kinulikot ang cellphone ko,  tinatawagan ko si Xhyfer pero hindi sinasagot ang tawag ko.

" Hello,  Seirra.  " tinawagan ko si Sierra para tanungin kung umuwi ba ang kuya niya. 

" Yes A. What can i do for ya? " tanong sa kabilang linya. 

" Anjan ba si kuya mo? " i asked. 

Pinuntahan ko kasi eto sa Condo niya,  pero walang tao. Kaya nagbabaka-sakali akong umuwi nang Mansion nila. 

" Ay,  oo.  Umuwi si Kuya dito kanina kasama ang kaibigan niya. Actually wala sila dito ngayon, lalabas daw muna sila para makapag bonding-bonding.  " she chuckled.


" Sinong kaibigan? Is that a girl or a Guy? "

Wala kasi akong nalalaman na may kaibigan si Xhyfer. Oo sa school meron pero hindi niya eto madalas kasama dahil hindi naman eto masyadong palakaibigan. 








" It's a girl.  Wait,  hindi ba sayo sinabi ni Kuya?" tanong niya. 

Wala namang nasabi sa akin si Xhyfer na may kaibigan pala siyang babae. 

" W-wala. Hindi naman palakaibigan nang babae ang kuya mo sa school. "



So ganyan kana ngayon Xhy? Naglilihim kana saken.  May tinatago ka palang babae pero hindi mo sinasabi sa akin?!  Akala ko ba gusto mo ako?  Na walang secret bakit nag-lilihim ka sa akin.




" Sabagay hindi mo naman kilala ang babaeng kasama niya. Classmate siya ni Kuya sa States,  naging kaibigan niya eto doon.  I think mabait naman yung babae kaya wala akong problema sa kanya.  Kung hindi lang sinabi sa akin ni Kuya na kaibigan niya eto,  iisipin ko na girlfriend niya dahil ang sweet-sweet nang babae sa kanya. Tsaka lagi etong nangungulit kay kuya noon na pabalikin nang states nung umuwi si Kuya dito dahil miss na miss na raw niya eto.  Kung hindi daw babalik doon si Kuya siya mismo ang pupunta dito para kunin ulit si Kuya.  Hindi ko alam kung friend lang ba talaga ni kuya yun o girlfriend na talaga.? Ikaw A,  anong sa tingin mo? Girlfriend ba ni kuya yun? " aniya.





Para akong binuhusan nang Malamig na tubig dahil sa sinabi ni Sierra. Girlfriend mo ba talaga yun Xhy?  Akala ko ako ang gusto mo?  Bakit may iba kana pala.  At may balak ka pang bumalik nang states.  Iiwan mo na naman ako!  Ang unfair mo!  Ang unfair-unfair mo!  Kung kailan gusto na kita,  tsaka mo naman ako ipinag-palit at iiwan.


" H-hindi ko alam.  H-hindi ko pa naman alam ang  kwento sa kanilang d-dalawa. " wala kung ganang sagot. 







" Sana girlfriend nalang yun ni kuya.  Wala pa kasi etong nililigawan simula pa nung una.  Hay,.  " aniya. 




Ang sakit ha?  Sa kapatid niya mismo sinabi na sana girlfriend niya iyon.  Pano naman ako?  Sasabihin ko pa naman sana na gusto ko siya, na mahal ko rin siya. 


" A-ah, Sige Sierra,  ibababa ko na. May gagawin pa kasi ako eh.  Tsaka may sasabihin sana ako kay Xhyfer.  Nagbabakasakali lang ako kung andyan siya,  may lakad pa lang importante. " sabi ko. 


" Sige.  Ano bang sasabihin mo kay kuya?  Importante ba?  Pwede namang ako nalang ang magsabi sa kanya. " sabi ni Sierra. 



Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Baka.. Kung ano pa ang sabihin sa kuya niya. 

" H-hindi wag na!  Ako nalang ang magsasabi sa kanya kapag nagkita kami.  S-sige bye! " agad kung sabi. Dali-dali kung pinatay ang phone. 



The Spoiled Brat In Academy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now