Nasa limang katao ngayon yung balak tumodas kay Mr. Gwapitong gangster kahit pa nasa school grounds pa sila ngayon. Mukhang anak mayaman ata ung isa doon sa lima. Hula ko malakas kapit nito sa head o may kamag anakan na madaling mag-aalis sa kanila sa problema. Tss spoiled brats. =_=
Parang nakapayong nung nagpakalat ng biyaya ng kagwapuhan ang Diyos. At sinalo naman lahat ng kapangitan eh.
Sa ngayon, inilapag ko na ung guitar case at hinugot duon ang aking gitara. Mas madali ko sila matatalo kung panghahampas ko sa kanila to kaysa sa tugtugan ko sila ng panpatulog. Baka maluge pa ko eh. At ayoko gamitin ang aking mga kamao. They're not worth it at isa pa, ayokong magasgasan o masugatan ang aking porcelanang balat.
Nagsimula nang takbuhin nung kupal ang distansya papunta sakin. Lugi pa ako eh. Hindi pa ko masyadong ready. Ready na makipag- upakan.
"Sino ka bang paepal ka?! Hindi pa ako tapos makipaglaro sa lokong yan!" sabi nung sumugod sakin. Nakalunok ata ng megaphone sa sobrang lakas ng kanyang boses. Para ngang nabasag ung eardrums ko eh.
Naiwasan ko ung suntokniya dahil nag side step ako at ibinaling ko ang ulo ko sa kaliwa. Tinuhod ko siya ng kanan ko bilang counter. Sapul sa tyan si ugok.
"Pangahas ka talagang hayop ka! Kayong apat palibutan niyo siya!" sigaw niya pagkalayo niya sakin. Aba't meganon? Haha leader talaga si Panget. Binitiwan nila si Mr. Gangster na napaluhod na lang dahil sa dami ng tinamong pinsala.
Nakatingin pa ako kay Mr. Gangster nung may narinig akong 'sugod' na command ni Panget. Mabilis akong naghanda. Halos sabay na dumating ang tao sa harap at sa likuran ko. Nag dash ako papunta dun sa nasa harap ko at iniwasan ng bahagya ang kamao niya na tatama sana sa gwapo kong mukha. Mukhang nagulat si loko nang patirin ko siya. And bang! Plakda sa sahig men! Mabilis siyang tumayo. Sakto naman ang dating nung nasa likuran ko ayun nagkabanggaan sila. Boogsh... tumba sila parehas parang maglovers sa kama...yuck!
May dalawa pa pla. Hindi ko namalayan yung loko3 at nakalapit na pala siya habang nakatalikod ako. Because of my reflexes... naiharang ko ung gitara ko kaya ung sipa na tatama sana sa likod ko, ayun sinalo ng gitara. And dahil mamahalin to, namilipit siya sa sakit ng binti dahil sa tigas ng gitara ko.
May isa pa. Mukhang hindi siya kumilos simula nung kunilos ung tatlo. Nakangiti lamang siya nang nakakaloko. Waring may itinatagong alas.
"Mukhang malakas ka, yang tatlong yan ay pawang mahihina, warm up kumbaga. Pero ibahin mo ako dahil ako ang main event at malapit na ang katapusan mo." sabi niya at may dinukot mula sa likod niya. Isa yung chako.
"Wow galing! Bruce Lee ikaw ba yan?" pang-aasar ko sa kanya. Wala lang trip ko lang XD.
Naasar nga ata siya, biglang sumugod eh. Di na siya nagpakitang gilas at umatake na. Boring niya wala...Yung exhibition pa aman yung astig sa mga ganung armas. Malalaman mo kase ang galing ng tao dun.
Hamuna. Gitara lang ang meron ako. Ano pa nga ba. Hinampas niya ng pagkalakas lakas ung chako niya at nasalag ko naman iyon ng gitara ko. Ang kaso lang, sobrang lakas nun kaya nagcrack yung gitara. Takte ang mahal ng gitara ko aba!
Inulit ulit niya ang paghampas at sa ikalimang pagkakataon, nabali na ng tuluyan ang gitara ko. Tatama na sana iyon sa mukha ko ....
ITUTULOY............
-------------------------------------------------
A/N
wala ko binago sa part na to, yung title lang haha
like niyo ba ang story? comment lang and vote!!!!!
Ryuzhaki XD
BINABASA MO ANG
Rakista Meets Gangster (on-hold)
RomanceRakista at Gangsters dapat ba laging magkaaway ang dalawang grupong ito? what if si Sin na isang rakista ay magustuhan ang isang takaw away na babaeng gangster what will happen? will these two be torn between these boundaries? or will they cross the...