Sin's POV
Pagpasok ko sa loob, nahinto sa pagsasalita ung nasa unahan. May pumasok ba namang gwapong nilalang eh. haha. May isang tumayo at lumapit sa akin. Nakita ko silang lahat na hindi na kumilos, akala siguro nila papaalisin ako ng lalaking lumapit sakin. Yun ang akala nila, nagulat ang lahat ng biglang yumuko sakin ang lalaki at nagsalita.
"Magandang hapon Master Sin." bati sakin nung lalaki.
"Ganoon din sayo, Mr. Alfonzo." ganting bati ko sa kanya. Siya ay ang aking tapat na butler.
"Ano po ang ginagawa ninyo dito master, di ba po may klase pa kayo sa mga oras na ito?" tanong niya sa akin.
Si Alfonzo ay 25 na taon na. Makisig din siya, matangos ang ilong, maputi, may dimple sa kaliwang pisngi at matipuno ang katawan.
"Tungkol sa bagay na iyan, ipinatawag kase ako sa Guidance Office dahil sa isang bagay na mali ang pagkakakwento. May kulang sa mga iyon. Gusto ko lang ayusin. Hinahanap ko din si Principal Leonhart eh." sagot ko sa kanya.
Tumayo ang isang lalaki na hula ko ay ang pakay ko.
"Pangahas ka bata, sa pag abala mo sa mahalagang pulong na ito. At nagawa mo pang tawagin lang ako sa aking pangalan!" sigaw niya. Tss may pinagmanahan pala yung Leonille na iyon.
"Ikaw pala ang tatay ng Leonille na iyon. Kailangan nating mag-usap." mahinahon kong sabi.
"At ikaw pala ang loko-lokong pangahas na kumanti sa aking anak! Ginulo mo pa ang meeting na ito na hindi naman dapat pinupuntahan ng mga batang paslit na gaya mo. Isa ka lamang hamak na estudyante!" sabi niya habang lumalapit sakin. Kinuwelyuhan niya ako ng tuluyan na siyang nakalapit sakin.
Hinawakan naman ni Alfonzo ang kanyang kamay na gumugusot sa damit ko. "Maging mahinahon sana kayo Principal Makojin, lalo na sa pakikipag-usap kay master." mahinahon ngunit may pagbabantang tono sa boses ni Alfonzo. Nyay katakot yung aura na galing ata sa kanya.
"At bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon? Isa lamang siyang estudyanteng walang alam!" sighal ni prince-epal este principal.
"Hindi niyo ba siya nakikilala? Kung gayon ay ipapakilala ko sia sa inyo." tanong ni Alfonzo. Mukhang nagtaka naman ang lahat ng nakarinig. "Siya si Siegfried Incubus Notre Cortez, ang may hawak ng kalahati sa stocks ng paaralang ito, sa madaling sabi, ang may pinaka malaking share sa puhunan ng paaralang ito."
Nagulat si Principal Leonhart Makojin sa narinig, maging ang mga naroroon ay mga hindi makapaniwala. dahil ang misteryosong taong may hawak ng 55% ng share ng kumpanya ay nasa kanila ng harapan. Tanging si Alfonzo lamang kasi ang pumupunta sa pulong at iba pang mga lakad patungkol sa pamamahala ng nasabing shares.
"I-ikaw? i-ikaw si Ginoong Siegfried Cortez?" mangahang tanong nung guidance officer. tss oo nga. kelangan paulit ulit?
"W-wag m-mo ako biruin Mr. Alfonzo. Isang bata? Isang bata ang may hawak ng higit sa kalahati ng stocks?" uutal-utal na sabi ni principal.Biro? ano ka hilo? Sinabi na nga ayaw pa maniwala =_=
"Nagkakamali ka Principal Makojin. Hindi ako nagbibiro, at kahit iutos sakin ni master, ay hindi ko magagawang mag biro sa ganto kaselang mga bagay." pagpapaliwanag ni Alfonzo.
Nabitiwan ako ni prince-epal, este principal, at napaatras.
"H-hindi..." hindi na naisatinig ni Principal Makojin ang nais niyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Rakista Meets Gangster (on-hold)
RomanceRakista at Gangsters dapat ba laging magkaaway ang dalawang grupong ito? what if si Sin na isang rakista ay magustuhan ang isang takaw away na babaeng gangster what will happen? will these two be torn between these boundaries? or will they cross the...