Commotion 7 - Sparrow Queen (revised)

226 3 0
                                    

Sin's POV

"Teka asan ako... ahh sa bahay na pala ako. Teka wala naman ako naalalang nakauwe na ako ahh. Yaan mo na nga.. kakagutom naman.." reklamo ko pagkabangon ko sa kama..

At dahil nagugutom ako, kakaen na ako. Asan naba ung si Alfonzo.

"Alfonzo... Alfonzo! Ipag handa mo ako ng pagkain!" Utos ko sa butler ko. Nakakapagtaka naman ata at walang sumasagot na lage naman niyang ginagawa. Tss no choice kelangan ko nang bumaba at kumuha ng sariling pagkain. Paglabas ko.

"Bakit ang dilim naman. Hindi siguro nagbayad si Alfonzo ng kuryente. Tss" Madilim pa tuloy.

Pababa na ko nang may madinig akong umiiyak na bata. Sinundan ko iyon. May naligaw atang bata dito ahh. Nakita ko na ung bata.

"Bata, bata bakit ka nandito? Bawal ka dito. Nasan magulang mo." sunod-sunod kong tanung dun sa bata. Pero parang hindi nia ako nadinig. Pumunta ako sa harapan niya.

"Hi-hindi ito maaari! Pa-panung i-ikaw... a-ako??" ang mukha nung bata ay katulad nung bata pa ako!! Sinong hindi magtataka dun! Waaaaah. Nakikita ko ang sarili ko, Pero mukhang hindi niya ako napapansin.

"Kyaaaaaaaah~" isang sigaw sa malayo ang nadinig ko. Namin pala dahil lumingon din ung bata. Boses ng isang babae.

"M-ama?" nakilala ng bata yung boses kaya tumakbo siya papunta sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. Sinundan ko ang bata. Sana hindi siya ang nasa isip ko.

Pagdating sa isang malaking pinto, binuksan iyon ng bata at pumasok. "M-ama?" sambit ulit ng bata.

Natakot akong sumunod sa loob dahil na din sa possibleng masaksihan ko sa loob na ayaw ko ng makita pang muli. Ang kamatayan ni mama.

Nakadinig ako ng lagabog, pumasok ako ng biglaan kahit hindi pa ako handa. At doon, nakita ko nga ang walang buhay na katawan ng aking ina.

"Hindeeeeeeee!!!" sigaw ko.

sfx: booooooogsh!!

"Araaaaay!" nahulog ako sa bench. "Isa na namang panaginip? Pero iba iyon sa karaniwan. Nakita ko ang sarili ko nung mga panahong iyon na isang bata pa lang."

Weird. Pero mas weird ginawa kong pagsigaw. Pinagtitinginan na kase ako dito. Makauwe na nga lang. Nakakahiya na ginawa ko saka 7pm na. Tss.

Paglabas ko ng parang parke na iyon, nadaan ako sa isang madilim na eskinita. Di ko na sana papansinin pero may nadinig ako.

SFX: Claaaaang~ Claaaaang~ Booogsh

May nag-aaway ata at dahil sa curios ako, sinundan ko iyong pinagmumulan ng mga ingay.

palakas na ng palakas na ung tunog habang papalapit ako.

SFX: Claaaaaang~ Ughhhhh

Sa wakas nakita ko din ung pinagmumulan ng ingay.

Isang grupo ng kalalakihan ang ngayon ay nakapalibot sa isang babae. Nasa walong katao iyon at may anim pang nakahandusay sa sahig.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa mga kasama namin!!" sabi nung goon#1.

"Kasalanan niyo iyon. Hindi niyo ba ako nakikilala? Ako ang Sparrow Queen!!! lagot kayo sa paggambala sakin you deserve to die!!!" sabi nung babae. wew katakot, pero luge ata siya.

"Wala kaming pakealam kung sino ka pa!!" sabi nung goon#2

Ewan ko kung bakit pero kating kati akong tulungan yung babae. hindi ko namalayan na sumigaw ako.

Rakista Meets Gangster (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon