Sin's POV
Tatama na sana sa mukha ko nang..............................................................................................
sfx: CLANGG~~
Tumama ung chako dun sa matigas na bagay sa loob nung gitara ko. Nagulat si boy chako kaya tumalon siya paatras. Ako naman ay hinugot ung matigas na bakal mula dun sa nasira kong gitara. Isa ung metal rod... isang mahabang metal rod na sakto lang sa haba ng gitara. Kung nagtataka kayo, habulin kasi ako ng gulo simula pagkabata kaya nakasanayan ko ng magpalagay ng mga possible weapons sa khit anong gamit ko. Self-defense ko kase yun. Sanayan na rin. XD.
"Humanda ka na." sabi ko kay boy chako at pumorma para umatake. Tinakbo ko ang pwesto niya, tila gulat pa din siya, samantalahin ko na habang gulat pa siya. Nang makalapit ako ay hinampas ko siya ng direkta sa ulo. Pero nasalag niya ito. "Tsk. Sayang...."
Medyo alerto padin pala ang katawan niya kahit na gulat siya. Pero bago pa siya makaganti ng atake ay dapat mapatulog ko na siya. Habang salag niya ang hawak kong metal rod, sinuntok ko siya sa sikmura gamit ang tuhod ko. Napayuko siya sa sakit at gamit ang metal rod ay pinuntirya ko ang pressure point sa batok niya, tama lang ang pwersa para mawalan siya ng malay. Hard namanyata masiyado kung lalakasan ko diba, baka mabaldado pa yan.
"Last man standing ka na boy Panget. Ikaw na susunod..."sabi ko sa kanya sabay turo ng metal rod sa kanya. Wala lang para astig XD.
"T-teka lang. Pare, baka naman pwede natin pag-usapan to. heh- heh?" sabi niya na pautal-utal. natakot pa ata. Duwag talaga.
Pinatong ko sa balikat ko ung ginamit kong sandata at saka nagsalita, "Ok". La lang trip ko lang siya pakinggan pano magmakaawa.
Bigla na lang siya kumaripas ng takbo papuntang pintuan ng hagdan.
"Hindi pa tayo tapos Mr.Sin. Tandaan mo ang pangalang Leonille Drix Makojin." at kumaripas na siya ng takbo pababa sa hagdan. Hindi man lang ba niya tutulungan mga alagad niya.
"Tss ... Duwag." bulong ko tapos nilapitan ko na siMr. Gangster na nakasalampak. Sino ba to?
"Okay ka na ba uhmm?" tanong ko sa kanya.
"Lance Adrian Correander... " sagot niya na sapo ang tiyan. Iniinda pa din siguro ang mga pinsala niya. "Hindi ka na sana nakialam pa Sin, hindi mo ba alam na anak un ng principal?"
"Ako na bahala sa sarili ko. Anak pala ng principal ah. Edi ayos." sagot ko sabay evil grin.
---Sa Classroom---
wala pa din yung tatlong kolokoy, san naman kaya nag suot ang mga iyon? hay, sigurado ako, nandyan lang ang mga yan sa tabi tabi, naghahanap ng chix nila. ang hihilig kase nila sa mga babae eh, maliban kay kevin nasiguradong napasama lang dun sa dalawa.
hay, nakakamiss ang tumugtog sa stage! naman oh!! bigla ako may naalala, badtrip sira na nga pala ung gitara ko, pahamak pala tong Lance na to eh. Nakakainis... nakakainis...
(A/N haha sa ngayon kase napag-isipan ni Sin kung ano ung nawala sa kanya. at yung halaga nito sa kanya. XD Naghanap rin siya ng masisisi, siyempre iba nakita niya haha)
Nagkakalase kame ngayon sa English. Nasa gitna na kame ng lesson nang...
"Good Afternoon Ms. Lucy Velasco, may I excuse Mr. Cortez for a moment?" biglang singit nung isang hindi ko kaklase.
"Sure, Mr. Cortez please go." sabi ni Ms. Velasco
Ano na naman to =_=. Lumabas na ako ng room. Mukhang SC member to may arm band nakalagay "SC". Natural SC member lang may ganun.
"Mr. Cortez, please follow me to the guidance office." sabi nung SC di ko naman kilala eh.
"Ok" tinatamad kong sagot. ""hay, second day, guidance agad? eh yung tatlo kaya? magpapakabait ba ang mga yun?. nah. i think not... next time, apat na siguro kame dito."
---Guidance Office---
"Good morning Miss Gomez nandito na po si Mr. Cortez." bati nung SC pagpasok namin sa guidance. Limingon samin si Miss Guidance.
"Good morning miss." bati ko sa kanya sabay yuko na parang prinsipe. Napanganga si Miss Steffy Gomez, nakita ko dun sa table niya eh. Parang ngayon lang siya nakakita ng gwapong nilalang.
"Miss Steffi Gomez?" tawag ko dito, mukha namang nahimasmasan siya.
"H-ha? Oh Aldrich, siya na ba si Mr. Cortez?" tanung niya dun sa SC member na tahimik.
Tumango naman ito bilang tugon.
"Sige makakabalik ka na sa iyong mga gawain." pagtataboy ni miss sa kaya dahil madame pa atang gagawin iyon. Lumabas naman siya ng tahimik.
"Mapunta tayo sayo Mr. Cortez, ikalawang araw mo pa lamang dito sa paaralan ay nasa opisina na kita agad? Ito ay dahil sa pangyayari kaniniang lunch break ma pambubugbog mo sa limang estudyante." sabe niya habang sinusuri ng mga mata niya ang mga reaksyon ko.
Kampante lamang akong nakatayo. "Ah ganoon po ba? Akala ko ay kung ano na." tinatamad kong sagot.
"Hindi mo ba ito itatanggi?" tanong niya.
Umiling lang ako.
"Kung Ganoon ay kailangan mong maparusan lalo na ai si Mr. Leonille Drix Makojin ay isa sa mga iyon ay anak ng ating principal." dugtong pa niya.
"Tungkol nga pala doon, maaari mo bang ipatawag si Principal Leonhart Makojin?" sabe ko
Napamuwang naman si miss sa sinabi ko.
"Hindi maaari ang gusto mo dahil mataas ang hawak niyang pwesto at isa pa ay nasa isang board meeting pa siya ngayon." tugon niya.
"Kung ganoon, tamang tama pala. Nasa conference room sila tama?" pagkasabi ko nun ay sumibat na ako. Pupunta ko sa meeting na iyon. Anu pa nga ba?
"T-teka! Hindi pwede! Maa..."
sfx: BAAAAAM!!!
Ayoko na marinig yung mga sinasabi niya. Nakakarindi eh.
Lakad...Lakad... Narating ko na ung conference room. Nakahawak na nga ako sa doorknob eh. Bigla ba amang lumitaw si Miss Steffi. Ay babaeng matandang maganda! Muntik ko na maisigaw yan sa gulat ko sa gurong iyon.. Tss Heart attack ata ko dito..
"Hindi ka pwede dito dahil para lamang sa board members at stockholders ang meeting na ito." natatarantang sabi ni miss. Kulit niya =_=. Nakakburyo na ah.
Nginitian ko lamang siya at tumuloy na ako sa loob....
ITUTULOY
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
this part is edited, hehe slight changes lang naman
Ryuzhaki XD
BINABASA MO ANG
Rakista Meets Gangster (on-hold)
RomanceRakista at Gangsters dapat ba laging magkaaway ang dalawang grupong ito? what if si Sin na isang rakista ay magustuhan ang isang takaw away na babaeng gangster what will happen? will these two be torn between these boundaries? or will they cross the...