Lets begin!...
"Ting Ting Ting"tumunog ang bell.
"Time na po ma'am!"sigaw ng mga estudyante.
"Alam ko! Ano ang akala nyo sa akin bingi?"galit na sigaw nito, "tapusin nyo muna ang pinapa-copy ko sa inyo at kailangan nyo itong ipa-check sa akin,Understood?"
Nabalot ng katahimikan ang loob ng classroom maliban sa tatlong lalake at tatlong babae na umuupo sa likod at para bang seryoso ang pinag-uusapan.
"Uhmm! six of you,students at the back ano-anong diskusyon ang inyong pinag-uusapan diyan,pwede bang i-share nyo naman?" na nakataas ang kilay.
"Para lang po to sa estudyante Ma'am,wag na kayong maki- chismiss!"panggigigil ng isang babaeng estudyante.
Abaah! Who's that b*tch na sumasagot-sagot sa akin ng ganyan! Estudyante lang kayo at hindi nyo pa nararanasan ang pinagdaanan ko!
"ok na po!"sagot ng magbabarkada at mahinang humalakhak ang mga ito.
"Six of you,see me in the office after this class" utos ng gurong umaapoy sa galit.
"Ma'm kanina pa po yung time!"pang-iinis ng magbabarkada.
"Tse! Pumunta na kayo sa office,Now!"sigaw nito na para bang sasabog sa galit.
Sumunod nalang ang magbabarkada at pumunta sa office kasabay ang guro na nasira ang goodmood,pumasok sila at nakita nilang naka-abang ang Principal.
A/N:The school was named Neutral University,ang unibersidad na ito ay para lamang sa walang mga pamilya at tanging isang malaking companya lang ang tumutustus sa pangangailangan ng mga estudyante,libreng tuition,allowance,dorm,school-supplies,at uniform,Lahat ay Libre maliban sa pagkain na nasa canteen,kasi dito kinukuha ang class fund ng paaralan at pera para sa proyekto.
"Goodmorning po Principal Zena!" bati ng mga estudyante.
"Goodmorning din sainyo" pagbabati din nito.
Anong dahilan at bakit kayo naparito Miss Forrester?
"Kasi po ma'am ang anim na
ito'y hindi sumunod sa rules and regulations ng paaralan,linabag nila ang #1 rule na respect all the personel in this school even janitors and guards!" pagpapaliwanag ng guro na si Teacher Amethyst Forrester."Ipalinis sa kanila ang boung campus bilang parusa" paguutos ni Bnb. Principal.
"Narinig nyo naman siguro yon?" sumbat ng guro na nakangiti.
"Tara na guys! Gawin nalang natin para hindi na maging malala ang sitwasyon" utos ni Eren.
Isa-isang lumabas at inikot nila ang boung campus habang nililinisan,habang sila ay nagwawalis ng tuyong dahon ay may narinig sila sa speaker ng bawat classroom,isang paalala para sa isang competisyon.
To all students,the next competisyon will be held at the historical island of AGAPE. The take off will be on February 14,2021 Monday,please be ready for your selves and ready to conquer the historical island together with you teamates at a maximum of 10 and at least of 5 members. Thats all thank you!
TAKI'S POV:
Heto na ang matagal kong hinihintay,maglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at makuha ang treasure sa island,gusto ko ng makita ang isang mala-alamat at mala-paraisong na isla ng Agape."Guys! What's the date today?" tanong ni Mikasa.
"Feb. 12 Saturday." tugon ni Eren.
"Bakit mo naitanong?" dagdag pa nito."Dapat kasing makapaghanda na tayo ng gamit at mga pagkain para sa take-off natin sa lunes" aniya ni Mikasa.
"Sige! Magplano nalang tayo sa loob ng ating dorm, pwede na siguro tayong magpahinga at tiyak na malinis naman ang campus" sabi ni Tetsuya na wala sa mood.
"Tara na guysu! Gutom na ako huhuh." pagmamakaawa ni Satsuki.
Lumalakad kami papunta sa dorm pero si Mitsuya ay walang kahit isang salita na binitaw at wala din itong kibo sa paglalakad,ano kaya ang problema ng bess ko dahil siya lang ang walang naging komento sa diskusyon namin?
Pagkadating namin sa dorm ay nagluto kaagad si Satsuki ng pagkain at nanunuod naman ng The Lost Island sina Tetsuya,Eren at Mikasa,habang si Mitsuya ay pumasok sa kanyang kwarto,hindi ko na ito sinundan dahil sa tagal naming magkasama alam ko na ang lahat ng galaw Mitsuya,gusto niyang mapag-isa.Kalahating oras ang nakalipas...
"Kain na tayo guysu,nandito na ang inyong pinakapaborito na Tortang Talong,Veggie Omelet at Ginisang Itlog with Unli Rice pa!" masayang pag aanyaya ni Satsuki.
"Nanaman!" pagkakadismaya naming apat.
"Ikaw na talaga ang chef my friend!" sigaw ni Mikasa.
"Kainin nyo nalang wag ng madaming satsat" dugtong ni Tetsuya.
"Bilisan nyo nalang kung kumain! Mag memeeting pa tayo para sa competisyon!" paguutos ng Team Captain na si Eren.
Mabilis naman kaming tumahimik dahil sa aura niyang nakakatakot,maya-maya'y kumuha ako ng plato at nilagyan ng pagkain,pumasok ako sa kwarto ni Mitsuya at nakahiga ito na nakaharap sa bintana,tinawag ko siya upang kumain at sinabihan niya lamang ako na ilagay ko ang dala-dala kong pagkain sa kanyang mini-cabinet,nilagay ko na lamang ang pagkain sa ibabaw ng mini-cabinet nito at pinaalala ko sa kanya ang tungkol sa meeting mamaya,dahan-dahan kong isinira ang pinto at lumabas ng tuluyan,napasulyap na lamang ako sa aking barkada na umuupo at nagpapahinga sa sofa,pumunta ako sa aking kwarto at nagdrawing na lamang ng mukha ni Mitsuha sa aking Gallery Notes na kung saan ang bawat lugar,bagay,hayop at tao na gusto ko ay iginuguhit ko rito bilang ala-ala.
MITSUHA'S POV:
Takot ako! Takot ako sa mangyayari samin sa isang competition takot ako na may isang mamatay sa aking kaibigan,takot ako na mawala ang aking pinaka-mamahal,takot ako para kay Taki at sa aking magkaibigan.Wala akong magagawa kasi ako lang yung lampa at pinakamahina sa amin lalong-lalo na ang aking nararamdaman,hindi ko ito mapagkakaila kapag kasama ko siya,natutunaw ako sa bawat ngiti at tawa niya.
Natatakot ako na mahulog ako sa kanya ng lubusan kasi kaibigan lamang ang turing niya sa akin,at alam ng aking kaibigan na mahal na mahal namin ang bawat isa pero may limitasyon lamang. Pwede ba na maging kami ng aking bestfriend,natatakot kasi ako na magbago ang lahat sa isang pagkakamali lamang.
"Tok! Tok! Tok!" may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Sandali lng!" Pasigaw kong tugon.
"Labas na Mitsuha! Mag-uumpisa na ang meeting!" utos ni Eren at madaling pumunta sa ibang kwarto.
Nag ayos pa ako ng buhok,nag lagay ng pulbo at nag cologne,binuksan ko kaagad ang pintuan at bumungad ang aking mga barkada na nakaupo at para bang ako nalang ang hinihintay,doon ako umupo sa tabi ni Mikasa.
"So guys! Let us start our discussion or let we say a preparation meeting." sabi ng aming leader na si Eren.
Bigla nalang namin narinig ang isa pang announcement...
BINABASA MO ANG
ISLAND INLOVE: (Secrets Reveal)
Mystery / ThrillerInspired by: Rules of Survival *Intro* Sino paba ang aatras sa isang quest at kompetisyon na kasama ang pinakamamahal niya? -In this planet there are billions of peoples,millions of girls and hundreds of perfect and georgeous ladies in the whole wor...