CHAPTER 3: Preparation

9 2 0
                                    

"Uy Mikasa saan ka nanggaling?" nagaalalang tanong milang dalawa.

"Diyan lang sa labas nagpahangin." tugon ko at pumasok kaagad sa kwarto.

Nagbihis ako ng damit at nanghilamos. Maya-maya'y dumating na silang tatlo at para bang nagtatawanan sila, lumabas ako para kamustahin si Eren.

"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ko.

"Aahhh! Wala yan,kunting gasgas lang yan" tugon nito.

Kumuha ako ng alcohol,cotton at betadine sa first aid kit at ginamot ang sugat nito.

"Abaah! Mabuti pa yung iba may nag-aalaga,paano naman ako?" tanong ni Tetsuya na para bang may pinaparinggan.

Bigla nalang pumunta sa cabinet si Satsuki at kumuha ng first aid kit,ginamot din nito si Tetsuya at nagtawanan nalang kaming lahat.

"Kawawa naman si Taki parang ayaw ni Healer na gamutin siya" aniya ulit ni Tetsuya at parang si Taki naman ang pinaparinggan.

"Healer naman oh,gamutin mo naman ang iyong support" pagmamakaawa ni Taki kay Mitsuha.

Aaaaraaayy!

Bigla nalang hinampas ni Mitsuha ang sugat sa braso ni Taki at nagmadaling pumasok sa kanyang kwarto.

"Anong nangyari sa babaeng yon?" tanong ni Eren.

"Baka red days niya ngayon o kaya crush niya si Taki." dugtong ni Satsuki.

"Ayieeee!" Pang inis ni Tetsuya kay Taki.

"Gunggong alam nyo naman na bestfriend ko yun" sabi ni Taki na parang napipikon.

"Eh ano ngayon kung mag bestfriend kayo?" dugtong din ni Mikasa.

"Bahala kayo sa buhay niyo!" sigaw ni Taki at nag walk-out.

"Sige guys magpahinga muna tayo,parang may hindi nagkakaintindihan dito. Balik nalang kayo sa inyong kwarto at maagang matulog kasi mag eensayo tayo bukas ng ating survival instinct" pagpapaalala ni Captain. Eren.

Aye Captain! Sagot naming lahat at bimalik na sa kanya-kanyang kwarto.

TAKI'S POV:

Ano ba ang nangyayari sa bestfriend ko, hindi naman siya ganito noon ah. Nagtataka na talaga ako at madami ng pumapasok sa isip ko dahil sa kyuryosidad at pangamba. Matutulog nalang muna ako baka kulang lang to sa pahinga at dala narin ng pagod dahil sa nangyari kanina.

Kina-umagahan!

"Kriiing! Kriiing! Kriiing!" tumunog ng malakas ang alarm clock ko na nilagay ko sa gilid ng aking unan! Narinig ko nalang na bumukas isa-isa ang pinto ng aking mga kaibigan. Lumabas din ako at derecho punta sa banyo, naligo ako kaagad sabay tootbrush,maya maya'y may bumukas ang pinto dahil nakalimutan ko pala itong ilock kanina dahil sa pagmamadali.

"Sheeeyyttt!" sigaw ni Mitsuha habang tinatakpan ang mata.

"Manyaaaak! Bastoooos!"

Agad naman itong lumabas. Dali-dali akong bumunlaw at tinakip ang towel sa aking katawan. Nakita ako ni Mitsuha na hubo't hubad, binalutan ako ng hiya dahil sa nangyari at para bang ayaw ko nang lumabas sa banyo.

"Bilisan mo na kasi jan!" sigaw ni Mitsuha na nagmamadali rin.

"Lalabas na ako!"

Agad akong lumabas at hindi ko na tinignan si Mitsuha dala narin ng pagkahiya ko sa kaniya. Bumihis nalang ako ng mabilis at pumunta sa training ground namin sa likod ng campus, kanina pa kasi naghihintay si Eren doon. Pagkadating ko ay nakita ko si Capt. Eren na na naghahanda ng kagamitan at obstacle para sa aming training,agad naman akong tumulong sa kaniyang ginagawa. Nahagilap ko sa kabila ang ibang team na naghahanda rin para sa competition bukas,maya maya'y dumating si Tetsuya na bagong ligo at agad din siyang tumulong sa amin para maging maayos at matagumpay ang isasagawa naming survival practice. Dito namin malalaman kung ano ang aming magagawa kapag nasa bingit ng kamatayan,ilang oras na din ang aming paghahanda at dumating din sina Satsuki,Mitsuha at Mikasa na parang may pinag uusapan habang papalapit sa amin. Napayuko nalang ako ng nagtamaan ang tingin namin ni Mitsuha kasi hindi pa ako naka get over sa nangyari.

 ISLAND INLOVE: (Secrets Reveal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon