CHAPTER 4: Take Off

9 2 0
                                    

SATSUKI'S POV:

Nabalutan na ng dilim ang paligid at tumunog ang kampana ng paaralan. Eight o,clock na pala! Kailangan ko ng magluto ulit,pumunta kaagad ako sa kusina at inisip ang magandang lulutuin, dapat yung kakaiba at espesyal kasi ito na ang huling gabi namin sa Neutral University at mag tatake-off na kami bukas ng umaga. Pumunta ako sa ref para kumuha ng ingredients para sa aking lulutuin ng bigla lumapit sa akin si Tetsuya.

"Pwede ba akong tumulong?"

"Ikaw bahala!"

Pinakuha ko nalang sa kaniya ang mga ingredients at inutusan ko na rin siya na magbantay sa aking niluluto habang akoy nanghihiwa ng gulay at laman ng manok. Bigla ko nalang nahiwa ang aking daliri sa sobrang pagmamadali. Nakita ito ni Tetsuya at hinihipan ito ng may pag alala.

"Ako na dito,baka maging malala pa ang iyong sugat!" pag alala ni Tetsuya.

"Maliit na bagay! Puso ko nga napana ni kupido nabubuhay parin ako!"

"Hahaha akala ko pagkain lang ang inaatupag mo may pa hugot-hugot kapang nalalaman" humalakhak ito ng malakas.

Akala ko magseseryoso na ito pero hindi na mawawala sa kaniya ang pagiging joker at manloloko, crush ko na siya noon pa pero hindi ako pwede sa lalaking may tupak at sira sa ulo. Siya ang nagpatuloy sa pag slice at ako naman ang nagbantay sa aking niluluto. Inutusan ko siyang ilagay na ang mga na slice na parte ng manok sa pinakuluang tubig.

"Ano ba yang niluluto mo?" tanong nito saakin.

"Ano paba edi adobong manok!"

Mga ilang minutong pagpapakulo sa manok ay isinalin ko ito sa pinggan. Inutusan ko ulit siyang igisa na ang mga ingredients.

"Your wish is my command!" ngumiti ito sa akin.

Nag wish ba ako? Bilisan mo na ngalang jan at baka nagugutom na sila!

Makalipas ang ilang minutong pagluluto ay natapos din ang masarap na adobong sinamahan ng aming pagmamahal. Tinawag ko na ang mga patay gutom para kumain ng hapunan. Agad naman sulang pumunta sa dining table para kumain.

"Uy excited na ako bukas!" sabi ni Mikasa.

"Kami rin kaya! Diba prinsesa?" dagdag ni Taki.

"Syempre naman basta kasama kita!" tugon naman ni Mitsuha.

"Abaah! Umiba na sa wakas ang ulam natin at hindi na itlog." sabi ni Eren.

Wahaha syempre naman! Huling gabi na natin rito at bukas na ang ating take off dapat kakaiba ang ating ulam.

Habang nagkwekwentuhan ay may nagtapon ng papel sa labas ng bintana,agad itong hinabol ni Captain pero wala siyang naabutan na tao! Pinulot ko ang papel at ibinigay kay Eren upang basahin.

Ang nakasulat ay sa loob ay "Uubusin namin kayo at walang maiiwang buhay" nanindig ang aking balahibo sa aking nabasa. Sino naman ang magbabanta sa amin ng ganto.

"Wag kayong mag alala hindi namin kayo pababayaan, ipalalayo namin kayo sa kapahamakan" sabi nina Tetsuya at Taki. Habang si Eren naman ay kalmado lamang sa kaniyang kinauupuan.

"Matulog na muna tayo!" utos ni Eren.

Agad naman namin itong sinunod,pumasok kami sa kwarto at nagpahinga,maya mayay nakatulog ako sa sobrang pagod...

Pagkagising namin ay tumunog ang malakas na trumpeta na pumukaw sa lahat ng estudyante sa campus.

All captains must go to the training field for the final announcemnt!

Agad na pumunta si Eren sa training field para sa final announcement.

EREN'S POV:

Dumating na ako sa training field at nandoon na rin ang ibang captains,bigla na lang pumunta si Principal sa gitna kasama ang ibang guro,may hawak silang malaking box na may laman na mga papel,pinabunot nila kami ng numero. Nakuha ko ang number3! Pagkatapos bumunot ang one hundred sixty na kapitan ay biglang bumukas ang malaking bodega ng campus at bumungad sa amin ang 160 na malalaking bus at may mga numero ito sa gilid. Ito na ba ang aming sasakyan papuntang airport? Grabe ang dami naman nito at malaking pera ang nagastos nila upang bilhin lahat ng ito.

"So students this is your bus at may personal driver na din,ihahatid nila kayo sa airport kung saan kayo mag tatake off. Bumalik na kayo sa kanya kanya nyong dorm at sabihan ang inyong kasamahan na sumakay na sa bus, ASAP! Understood!"

"Masusunod po Principal" sigaw ng mga captains at agad na ding bumalik sa kanilang dorm.

Pagkarating ko sa dorm ay nakita ko silang nakaupo lang at kanina pa siguro naghigintay.

"Anong balita?" tanong saakin ni Mikasa habang nakatalikod.

"Uhmm sinabihan kami ni principal na pumunta na raw tayo sa personal bus natin, nasa number 3 na bus tayo sasakay kayat tara na ano pang hinihintay nyo?"

"Woaah totoo?" ani Tetsuya na parang hindi makapaniwala.

"Astiiig! Tara na" sabi ni Satsuki.

Pumunta na kami kaagad sa aming personal bus, hinihintay na siguro kami kanina pa nung driver, agad kaming pumasok at ako naman ay umupo sa backseat habang sila ay nasa harap, pina-andar na ni manong driver ang bus at lumapit sa akin si Mikasa para samahan ako sa aking kina-uupuan.

"Ayus ka lang ba Eren?" pag-aalalang tanong sa akin ni Mikasa.

"Oo naman! Bat mo natanong?"

"Kasi parang ang tamlay mo ngayon?"

"Nag aalala lng ako sa maaaring mangyari sa atin sa isla." sagot ko. "Saakin kasi ang responsibilidad na pangalagaan kayo" dagdag ko pa.

"Wag kang mag alala,ikaw nga diba ang nagsabi na magtutulongan tayo!"

Natahimik nalang ako at tumingin sa malayo, biglang pumutok ang sidewheel ng aming sasakyan at napahinto kaagad kami, tiningnan namin ang nangyari at linampasan nalang kami ng ibang bus.

Nakita ko sa gulong na may tama ito ng bala at parang binalak talaga itong gawin.

Mabilis namang itong inayos ni manong driver at dumerecho na kami sa airport, pagdating namin doon ay pinuntahan ko kaagad ang mga lalaking nagbanta sa aming buhay.

"Huy gunggong! Alam kong ikaw yung may pakana kung bakit pumutok yung gulong namin!" galit na sigaw ko sa kaniya.

"May ebidensiya ka ba?" sigaw nito saakin at patuloy na lumakad.

Hindi na ako nakapag habol dahil hinawakan ako nina Taki at Tetsuya, nilagay nalang namin ang gamit sa baggage at pumila para kunin ang equipments na binigay sa amin ng school, nandito ng ang baril na dessert eagle, armor vest, parachute at backpack.

Dumerecho na kami sa loob ng eroplano na gagamitin papunta sa isla ng agape. Pag pasok namin ay may maraming upuan na para sa lahat ng estudyante, may lumapit sa amin na isang guide at sinabihan niya kami na sumunod sa kaniya kayat agad naman kaming sumunod, pumunta siya sa area number 3 na may anim na upuan, itinuro niya lamang ito at umalis, umupo kami doon at naghintay na lumipad ang eroplano. Biglang may announcement kaming narinig.

To all students/players please fasten your seatbelts and ready for take-off.

Agad naman namin itong sinunod,lahat kami ay nag seatbelt, isang oras pa bago kami makapunta sa isla kaya yung iba ay natulog na muna, si Tetsuya ay natutulog din habang naka headphone kasama si Satsuki na natutulog din sa balikat nito. Sina Taki at Mitsuha naman ay pasimpleng nagkukwentuhan, Mikasa naman ay nagbabasa ng libro sa gilid ko at para bang matutulog na din. Makalipas ang ilang oras ay may announcement na naman akong nadinig.

To all students/players we arrive safely in the Agape Island,you may go now to the parachute area and jump to your respective location. Have a nice journey and goodluck!

 ISLAND INLOVE: (Secrets Reveal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon